ni Ellalyn De Vera-Ruiz
LUMABAS na 58 porsiyento ng mga naka-enroll na Pilipino sa pagitan ng lima at 20-anyos ang gumagamit ng devices bilang gamit sa distance learning sa panahon ng pandemya, ayon sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na inilabas nitong Lunes, Marso 1.
Ipinakikita sa survey, na isinagawa noong Nobyembre 21-25, 2020 sa 1500 respondents, na ang devices ay maaaring pag-aari na (27 porsiyento), binili (12 porsiyento), hiniram (10 porsiyento), ibinigay (9 percent), o nirerentahan (0.3 porsiyento).
Habang nasa 42 porsiyento ang nagsabing hindi sila gumagamit ng devices para sa distance learning.
Sa 14 porsiyento ng naka-enroll na Pilipino na bumili o nagrenta ng gadget para sa distance learning, 79 porsiyento ang smartphone, 13 porsiyento ang desktop/laptop, limang porsiyento ang telebisyon at tatlong porsiyento ang tablet.
Habang sa 12 porsiyento ng mga estudyante na bumili ang pamilya ng gadget para sa distance learning, ay naglaan ng average na P8,687, na may median amount na P6,800.
Natuklasan ng SWS na pinakamataas ang paggamit ng gadget para sa distance learning sa Metro Manila na 96 porsiyento.
Sa ibang lugar, ang paggamit ng gadget para sa distance learning ay 64 porsiyento sa Balance Luzon, 43 porsiyento sa Visayas, at 41 porsiyento sa Mindanao.
Dagdag pa rito, ang bahagdan ng mga gumagamit ng pag-aari na nilang gadget ay mas mataas sa Metro Manila at Balance Luzon (36 porsiyento at 30 porsiyento) kumpara sa Visayas at Mindanao (20 porsiyento at 23 porsiyento).
Tanging apat na porsiyento sa Metro Manila ang nagsabi na hindi sila gumagamit ng gadget para sa distance learning, mas mababa kumpara sa higit kalahati sa Visayas (56 porsiyento) at Mindanao (58 porsiyento), at sa Balance Luzon (36 porsiyento). Ayon sa SWS ang paggamit ng devices ay mas madalas sa mga mag-aaral sa mga urban areas (67 porsiyento) kumpara sa mga mag-aaral sa rural areas (49 porsiyento).
Samantala, mas marami namang mag-aaral sa rural areas ang hindi gumagamit ng devices (51 porsiyento) kumpara sa urban areas (33 porsiyento).
Base sa lugar, pinaka madalas ang pagbili o pagrenta ng smartphone sa Balance Luzon (86 porsiyento), magamat malaking bahagdan din ito sa Mindanao (77 porsiyento), Visayas (76 porsiyento), at Metro Manila (60 porsiyento).
Samantala, ang pagbili ng desktop/laptop ay mas mataas sa Metro Manila (34 porsiyento), kumpara sa Visayas (17 porsiyento), Mindanao (10 porsiyento), at Balance Luzon (pitong porsiyento).
Base sa lokalidad, mas maraming mag-aaral ang bumili ng smartphone sa rural areas (86 porsiyento) kumpara sa urban areas (74 porsiyento), habang mas marami ang bumili ng desktops/laptops (19 porsiyento) kumapara sa rural areas (limang porsiyento).