ni Nitz Miralles
ANG laki na nang ipinayat ni Sharon Cuneta at makikita ito sa bago niyang pinost na litrato at ang maganda pa, wala na siyang bilbil at puson. Puwede na niyang isuot ang mga biniling dresses from the States at puwedeng-puwede na siyang magsuot kahit ng two-piece swimsuit.

“Just got home from work. Thank you, Lord for a wonderful taping day! #noeditinghuwaw,” sabi ni Sharon sa post.
Ang tinukoy niya na taping ay ang Your Face Sounds Familiar kung saan, sila nina Ogie Alcasid at Gary Valenciano ang judges.
Kabilang sa nag-comment sa post ni Sharon ay si Mariel Rodriguez na nagsabing, “beautiful” at sinagot ni Sharon ng “@marieltpadilla Thank you my anak and so are you!!!”