PAWANG positibong tracks ang napapaloob sa newly released album ng OPM icon na si Anthony Castelo. Ang pamagat ayPangarap Mo’y Makakamit na siya ring carrier single. Kinatha ang mga selections bago magkaroon ng pandemic. Ang mga ito ay: Ikaw Ang Mahal KoSalamat Po PanginoonA Letter To The Lord at I’m Coming Home Philippine Islands. Kapansin-pansin naka sentro sa Diyos ang diwa ng ilang kanta.

Taong 2020 ng i-release angBest Of Anthony Castelo’s Greatest Hits. Available ang album on Spotify, Apple Music, Amazon Music at Yahoo. Ilan sa mga awiting pinasikat ni Anthony ayBalatkayo,Hahanapin KoatNang Dahil Sa Pag-ibig. Gumawa din ng ilang pelikula si Castelo.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Naka-base sa America ang walang kupas na balladeer at manaka-nakang umuuwi sa Pilipinas to record. His timeless songs ay paboritong awitin sa karaoke bars.

-REMY UMEREZ