INANUNSIYO ng World Health Organizations nitong Lunes na makikipagtulungan ito sa global youth groups, na may 250 milyong mga miyembro, upang lumikha ng mga programa na makatutulong sa mga kabataan na malampasan ang mga pagsubok na dulot ng pandemya.

Sinabi ng UN health agency na nakikipagtulungan na ito sa anim na global youth organization upang buuin ang “Global Youth Mobilisation for Generation Disrupted,” na may $5 million-fund upang masuportahan ang mga local at national youth groups.

“WHO is honoured to join this truly exciting and powerful global movement to mobilise and empower youth worldwide to be the driving force of the recovery to COVID-19,” pahayag ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Inilarawan niya ang pagsasamang ito bilang “a unique opportunity to learn from hundreds of millions of young people and be guided by their sustainable solutions to help communities build back better from the pandemic.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kabilang sa mga katuwang na organisasyon ang – YMCA, World Organization of the Scout Movement, World Association of Girl Guides and Girl Scouts, ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, at The Duke of Edinburgh’s International Award — na may halos 250 milyong mga miyembro.

Ipinunto naman sa naging pahayag nitong Lunes na bagamat hindi gaanong nagdurusa ang mga mas nakababatang populasyon mula sa direktang epekto ng COVID-19 pandemic kumpara sa mga matatanda, “they are disproportionately affected by the long-lasting consequences of the pandemic.”

“Such effects include disruptions to education, economic uncertainty, loss or lack of employment opportunities, impacts on physical and mental health, and trauma from domestic violence,” idiniin sa pahayag.

Higit isang bilyong mga estudyante sa buong mundo ang apektado ng pagsasara ng mga paaralan.

Dagdag pa rito, “one in six young people worldwide have lost their jobs during the pandemic,” giit pa ni Tedros sa isang virtual briefing.

Nabanggit din sa pahayag nitong Lunes na “mental anxiety brought on by COVID-19 has been identified in nearly 90 percent of young people.”

Ayon sa WHO, ang panawagan para sa proposal para sa mga “youth-led solutions” sa krisis ay ilalabas sa unang bahagi ng susunod na taon, at idaraos din ang Global Youth Summit sa darating na Abril.

Agence France-Presse