Apat na rebeldeng New people’s Army (NPA) ang napatay sa sagupaan ng mga sundalo at may 20 rebelde sa Rizal, Occidental Mindoro, ayon sa ulat na nakarating sa Camp G. Nakar, Lucena City kahapon.
Iniulat ng 2nd Infantry Division ng Army sa ilalim ng Southern Luzon Command (SOLCOM) na nitong Lunes ay nakasagupa ng tropa ng 203rd infantry Brigade ang mga rebelde sa Sitio Surong, Barangay Aguas, Rizal na tumagal ng 30 minuto.
Narekober sa lugar ng engkuwentro ang walong malalakas na baril, at dokumento ng mga rebelde.
-Danny Estacio