Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Dongon, Maasin City sa southern Leyte, nitong Sabado.
Sa report kay Maasin City Police chief, Lt. Col. Mark Nalda, nakilala ang biktima na si retired SPO1 Dominico Petere.
Si Petere ay dating nakatalaga sa Police Regional Office 8 sa Palo, Leyte hanggang sa magretiro.
Sa pahayag ng mga testigo, abala sa gawaing bahay ang biktima sa kanilang compound nang dumating ang tatlong lalaking naka-bonnet at pinagbabaril ito.
Matapos ang krimen, agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kotse na walang plaka patungo sa hindi mabatid na direksyon.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.
-Marie Tonette Marticio