Humihingi ng katarungan ang pamilya ng dalagang pinagbabaril ng riding in-tandem sa Kidapawan City, North Cotabato nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ama ng biktimang si Jennifer Cortez, 20, taga-3rd Block, Lo Dilang St., Poblacion sa nasabing lungsod, walang naging kaaway at mabait ang kanyang anak kaya umaapela ito sa pulisya na mabigyan ito ng hustisya.
Sa report ng pulisya, pinagbabaril si Cortez ng dalawang lalaki habang nagluluto ng panindang barbecue sa harap ng kanilang bahay, kasama ang kanyang nobyo, dakong 7:40 ng gabi.
-Fer Taboy