NOONG single pa si Regine Velazquez singing career ang top priority niya . Ngayong misis na siya ni Ogie Alacasid pamilya ang tinutukan ni Regine at secondary na lang ang pagkanta.
“ W e d o n ’ t compete as far as our respective careers is concerned. We respect each other. Bilang asawa Ogie is my knight in shining armor. Napaka-talented niya as composer. Uupo lang siya sa piano at makakagawa agad ng kanta. I fell in love with him and his songs. Kapag nagko-concert ay laging nasa repertoire ang mga love songs na You Are My Song at Kailangan Ko’y Ikaw. ‘These are the songs that made me at grateful ako. Kung may isang bagay i wish to do ay sumulat ng sariling kanta.”
Larawan ng isang happy at modern family ang mag-asawa. Kapiling nila si Leila, daughter ni Ogie from a previous marriage. Wika ni Regine. “I treat her na parang anak ko. I tell her na meron kang two sets of parents na im also a mom to her. We are one happy and modern family.”
Remy Umerez