Pebrero pa lamang, habang mabilis na kumakalat ang global pandemic, naglabas na ng babala ang World Health Organization hinggil sa “infodemic”, ang bugso ng fake news at misinformation hinggil sa nakamamatay na bagong sakit sa social media.

Ngayong nabubuhay na ang pag-asa hinggil sa pagkabuo ng COVID-19 vaccines, nagbabala muli ang WHO at mga eksperto sa kaparehong phenomena na maaaring makaapekto sa pag-iimplementa ng immunization program na layong mawakasan ang paghihirap sa pandemya.

“The coronavirus disease is the first pandemic in history in which technology and social media are being used on a massive scale to keep people safe, informed, productive and connected,” pahayag ng WHO.

“At the same time, the technology we rely on to keep connected and informed is enabling and amplifying an infodemic that continues to undermine the global response and jeopardises measures to control the pandemic.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Higit 1.4 milyon tao na ang namatay mula nang unang umusbong ang pandemya sa China noong huling bahagi ng nakaraang taon, ngunit tatlong developers na ang nag-apply para sa pag-apruba ng kanilang bakuna na maaari nang magamit sa Disyembre.

Gayunman, higit sa logistics, kailangan ding labanan ng mga pamahalaan ang mga pagdududa sa bakuna na mabilis na na-develop sa panahong ang social media ay naging instrumento para sa pagpakalat ng impormasyon at maling paniniwala hinggil sa virus.

Binigyang-kahulugan ng WHO ang ‘infodemic’ bilang labis-labis na impormasyon, kapwa sa online at offline, kabilang ang “deliberate attempts to disseminate wrong information”.

Nitong nakaraang buwan, sa isang pag-aaral sa Cornell University sa United States natuklasan na si US President Donald Trump ang “world’s biggest driver of COVID-19 misinformation” sa gitna ng pandemya.

Noong Abril, nag-ugat kay Trump ang posibilidad na paggamit ng disinfectants sa loob ng katawan upang malunasan ang virus at nagsulong din ng mga unproven treatments.

Mula Enero, nakapaglabas na ang AFP ng higit 2,000 fact-checking articles na bumabasag sa mga maling impormasyon hinggil sa novel coronavirus.

“Without the appropriate trust and correct information, diagnostic tests go unused, immunisation campaigns (or campaigns to promote effective vaccines) will not meet their targets, and the virus will continue to thrive,” ayon sa WHO.

‘UNPARALLELED SCALE’

Tatlong vaccine developers –ang Pfizer/BioNTech, Moderna at AstraZeneca/Oxford University ang nangunguna sa pagbuo ng bakuna—at ilang pamahalaan na rin ang naghahanda para sa planong pagbakuna sa mga pinakananganganib ngayong taon.

Ngunit nagiging lunsaran ang Facebook, Twitter, YouTube o WhatsApp para sa mga maling impormasyon at fake news, “disinformation has now reached an unapparelled scale,” pahayag ni Sylvain Delouvee, researcher sa Social Psychology at Rennes-2 University.

Sang-ayon dito si Rory Smith ng anti-disinformation website na First Draft.

“From an information perspective, (the coronavirus crisis) has not only underlined the sheer scale of misinformation worldwide, but also the negative impact misinformation can have on trust in vaccines, institutions and scientific findings more broadly,” aniya.

Sinabi ni Katherine O’Brien, pinuno ng WHO’s immunisation department, na nangangamba ang ahensiya na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng mga tinawag niyang “anti-vaxxer” movement ay magtulak sa mga tao na tanggihan ang bakuna laban sa coronavirus.

“We are very concerned about that and concerned that people get their info from credible sources, that they are aware that there is a lot information out there that is wrong, either intentionally wrong or unintentionally wrong,” pagbabahagi nito sa AFP.

PAGDUDUDA SA BAKUNA

Sa pag-aaral ni Steven Wilson, professor ng Brandeis University at co-author ng pag-aaral na “Social Media and Vaccine Hesitancy” na inilabas sa British Medical Journal nitong nakaraang buwan, natuklasan ang koneksyon sa pagitan ng m online disinformation campaigns at pagbaba ng vaccination.

“My fear regarding the impact of disinformation on social media in the context of Covid-19 is that it will increase the number of individuals who are hesitant about getting a vaccine, even if their fears have no scientific basis,” aniya.

“Any vaccine is only as effective as our capacity to deploy it to a population.”

Kabilang sa mga pinakamatinding bintang ng mga conspiracy theorists, halimbawa, ay ang ideya na ang novel coronavirus pandemic ay isa lamang hoax o bahagi ng isang elite plan, na masterminded ng mga tulad nina Bill Gates, upang makontrol ang populasyon.

At ang vaccination programmes, ayon sa mga grupo, ay paraan upang makapaglagay ng microscopic chips sa mga tao upang mabantayan ang mga ito.

Ang nosyong ito ay maaaring lumago sa panahon nang lumabas sa mga polls na ang mga tao sa ilang bansa, tulad ng Sweden at France, ay nagdududa na sa bakuna, lalo na sa treatments na na-develop sa mabilis na panahon na walang long-term studies na available hinggil sa kabisaan at posibleng side-effects.

LUMALAGONG ALINLANGAN

Nitong nakaraang buwan, isang poll ng Ipsos ang nagsabi na 54 percent ng mga French ang handang magpabakuna laban sa coronavirus, 10 porsiyentong mas mababa sa US, 22 puntos na mababa kumpara sa Canada at 33 puntos na mas mababa sa India.

Sa 15 bansa, 73 porsiyento ng mga tao ang nagsabi na handa silang magpabakuna laban sa COVID-19, bumaba ng apat na bahagdan sa naunang poll noong Agosto.

“But it is not just vaccines -- more and more people express a growing mistrust of institutions,” ayon sa mga eksperto.

“The common theme” sa mga conspiracy theorists “is that our ‘elites’ are lying to us,” pahayag ni Delouvee ng Rennes-2 University.

Ang disinformation ay base sa lumalagong pagdududa ng lahat ng institutional authority, ito man ay pamahalaan o siyentipiko.

“When people can’t easily access reliable information around vaccines and when mistrust in actors and institutions related to vaccines is high, misinformation narratives rush in to fill the vacuum,” ayon sa ulat ng First Draft.