PARIS (AFP) — Mahigit 350 kabataan mula sa 145 mga bansa ang nagbukas ng isang mock climate summit nitong Huwebes, na may tunay na negosasyon kung paano makayanan ang potensyal na mapinsalang global warming na isinantabi hanggang sa Nobyembre 2021.
Ang mga pag-uusap na pinamunuan ng UN, gaganapin sa Glasgow sa ilalim ng pangangasiwa ng Britain, ay lumamlam sa COVID pandemic, ngunit ang mga aktibista mula sa 18 mga grupo ng kabataan - kasama na ang Friday for Future ni Greta Thunberg - ay dismayado sa kawalan ng progreso.
“If the climate crisis is so urgent why isn’t everyone acting like it’s an emergency?”, sinabi ng 18-anyos na si Malaika Collette mula Ontario, Canada.
“It’s hard to understand why the entire world isn’t fighting like their life depends on it.”
Ang mga epekto sa pagbabago ng klima ay malinaw na bumibilis, sabi ng mga siyentista.
Ang mapipinsalang wildfires, rekord na pagkatunaw ng sea ices, mabilis na pagtaas ng antas ng dagat, mas mababagsik na mga bagyo at mas matinding heatwaves na pawang nagtataglay ng hindi maikakailang marka ng tumataas na temperatura sa buong mundo.
Ang 2020 ay maaaring maging pinakamainit na taon sa talaan, tatalunin ang 2016 - na mas pinainit ng El Nino.
Ang halos 200 na lumagda sa 2015 Paris climate treaty ay dapat magsumite ng updated na mga plano, na kilala bilang nationally determined contributions (NDCs), upang mabawasan ang mga emissions ng greenhouse gas sa pagtatapos ng taon, at nilalayon ng mga grupo ng kabataan na mapanatili pressure.
Kabataan naisasantabi
“It is so important that world leaders raise their ambition when it comes to climate policy,” sinabi ni Josh Tregale, 18, mula sa Dorset sa Britain.
“Too often young climate activists are patronised and cast aside,” he added. “We don’t want empty words, we want action.”
Ang Japan, Europe at Britain ay pawang nangako na magiging carbon neutral sa 2050, at ang China ay naunang nanumpa ngayong taon na makamit ang layuning iyon sa 2060.
Ang m kabataan ang tatamaan ng mga kahihinatnan ng pagbabago ng klima ngunit madalas na “sidelined” pagdating sa paggawa ng desisyon, sinabi ng Kenyan organiser na si Pauline Owiti.
“The involvement of young people in decision making should be a priority,” aniya. “With Mock COP26 we have the opportunity to contribute something meaningful to society and change the perception of youth leadership.”
Ang mga talakayan sa 12-araw na virtual meeting ay nakatuon sa climate justice at edukasyon, kalusugan at mental wellbeing, green jobs at pagbawas ng polusyon sa carbon, sinabi ng organisers.
Nagbibigay ng isang prominenteng lugar para sa “voices form the global south”, ang mock summit ay magtatapos sa isang pahayag na nagdedetalye kung ano ang dapat pagsang-ayunan ng mga pinuno sa Glasgow sa 2021.
Jean Damase Roamba from Burkina Faso said his country faced “
Sinabi ni Jean Damase Roamba mula sa Burkina Faso na naharap ng kanyang bansa sa lahat ng “negative impacts of climate change -- heavy precipitation, floods, drought”.
“I dream for an ambitious COP26, and I hope that Mock COP26 will help show the path,” dagdag niya.
Ang 196-bansang United Nations Climate Change conference, kilala rin bilang COP26, sa susunod na Nobyembre ay nakikita bilang pinakamahalaga mula nang lagdaan ang Paris Agreement ay limang taon na ang nakalilipas.