PINURI ng pinuno ng World Health Organization ang mabilis na pag-unlad tungo sa pagbuo ng COVID-19 vaccine ngunit iginiit nito na dapat itong mapakinabangan ng bawat bansa sa mundo.

“A vaccine will be a vital tool for controlling the pandemic, and we’re encouraged by the preliminary results of clinical trials released this week,” pahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus sa pagsasara ng WHO annual assembly.

Nitong Lunes, inaunsiyo ng US pharmaceutical giant Pfizer at ng katuwang nito na German partner BioNTech na napatunayan ang 90 porsiyentong kabisaan ng bakuna sa isinasagawang final phase trial kung saan nakapaloob ang higit 40,000 indibiduwal, wala pang isang taon mula nang umusbong ang virus sa China.

“Never in history has vaccine research progressed so quickly. We must apply the same urgency and innovation to ensuring that all countries benefit from this scientific achievement,” pahayag ni Tedros.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Halos 1.3 milyong tao na sa buong mundo ang namatay mula sa virus habang higit 52.7 milyong kaso ang naitala, ayon sa pagtataya mula sa official sources na kinalap ng AFP.

Gayunman, maaaring inilalarawan lamang ng tally ang bahagi ng aktuwal na bilang ng impeksyon. Maraming bansa ang nakapagte-test lamang ng mga may sintomas o mga malalang kaso.

PAGTUTULUNGAN

Sinabi ni Tedros na ipinakita sa atin ng pandemya ang matinding pangangailangan para sa “a globally-agreed system for sharing pathogen materials and clinical samples”, upang pamahalaan ang mabilis na pagbuo ng COVID-19 vaccines, diagnostics at therapeutics bilang “global public goods”.

Aniya, hindi makapaghihintay ang sistema para sa bilateral agreements na maaaring abutin ng ilang taon bago makapagdesisyon.

“We are proposing a new approach that would include a repository for materials housed by WHO in a secure Swiss facility; an agreement that sharing materials into this repository is voluntary; that WHO can facilitate the transfer and use of the materials; and a set of criteria under which WHO would distribute them,” ani Tedros.

Pinasalamatan naman ng UN health agency director-general ang Thailand at Italy sa pag-aalok na magbigay ng materyales at pangunahan ang bagong approach, gayundin ang Switzerland sa pag-aalok ng laboratory.

Nitong Biyernes, inaprubahan ng mga miyembrong bansa ng WHO ang isang resolusyon sa pagpapatatag kahandaan para sa health emergencies.

Nananawagan ang resolusyon sa mga bansa “to prioritise at the highest political level the improvement of, and coordination for, health emergency preparedness.”

Hinihikayat din nito ang mga bansa na patuloy na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagtukoy ng infectious diseases, bilang pagtugon sa International Health Regulations.

TAMANG PAGTUGON

Inaprubahan noong 2005 at ipinatupad makalipas ang dalawang taon, tuon ng regulasyon ng global health security kung paano maidedeklara ang isang public health emergency of international concern (PHEIC).

Nakapaloob din dito ang tiyak na mga panuntunan na ipatutupad sa mga pantalan, paliparan, at mga border post upang malimitahan ang pagkalat ng panganib.

May ilan namang kumuwestiyon sa kabisaan ng proseso sa hakbang na maiwasan o mapigilan ang COVID-19 pandemic.

Inakusahan ng Washington si Tedros ng magiging “napakabagal” sa pagdedeklara ng PHEIC sa new coronavirus. Maging ang WHO chief mismo ay nagging kritikal sa kanyang “binary on-or-off nature, with no levels of alert in between.”

Nananawagan ang resolusyong ipinasa nitong Biyernes, kay Tedros “[to seek possible] complementary mechanisms” na maaaring magamit upang maalerto ang mga miyembrong estado “about the severity and/or magnitude of a public health emergency in order to mobilise necessary support and to facilitate international coordination”.

Inaasahang ibabahagi nito ang kanyang pananawa sa susunod na pagpupulong WHO.

Bukod sa pagtalakay ng pandemya, nagkasundo rin ang WHO assembly sa isang bagong plano upang magapi ang meningitis pagsapit ng 2030; pagpapataas ng aksyon sa epilepsy at iba pang neurological disorders; at isang estratehiya upang mapabilis ang eliminasyon ng cervical cancer bilang isang public health problem.

Agence France-Presse