Pitong katao ang nasugatan, kabilang ang apat na bata, sa landslide na naganap malapit sa kanilang lugar dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Ulysses sa Sitio Little Baguio, Barangay Magsaysay sa Infanta, Quezon, base sa ulat kahapon ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).
Kinilala ang mga biktima na sina Jaqueline Marquez, 40; Anacleto Marquez, 50; Angelito Paraiso, 39; Jelina Faye Paraiso, 13; Jack Tyrael Paraiso, 9; Juha Mayumi Paraiso, 8, at Jaszy Sofia Paraiso, 2, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Bandang 10:30 ng umaga nang maganap ang pagguho ng lupa na nakakaapekto sa mga bahay ng mga biktima at sila ay nasagip ng rumesponde ang Infanta PNP at MDRRMO.
Ayon din sa ulat ng pulis ay hindi pa maaaring daanan ang Marikina-Infanta road habang nagsasagawa ng clearing operaion ang lokal na pamahalaan.
Danny Estacio