PARIS –Wala sa alinmang kandidatong bakuna sa COVID-19 ang may kakayahang makadetekta ng pagkabawas sa seryosong kalagayan tulad ng hospitalisasyon o pagkamatay, pahayag ng isang leading public health expert kamakailan.

Sa kanyang artikulo sa BMJ medical journal, nagbabala si associate editor Peter Doshi na maging ang nasa phase 3 trials na ng pagbuo sa bakuna ay walang kakayahan na mapatunayang ang kanilang produkto ay makaiiwas sa tao na mahawaan ng COVID-19.

Sa malungkot na sanaysay, sinabi ni Doshi na baka madismaya lamang ang mga umaasa para sa isang “breakthrough” na siyang tatapos sa pandemya, dahil ilang bakuna ay maaaring may kakayahan lamang mabawasan ang panganib ng COVID-19 infection ng hanggang 30 porsiyento.

“None of the trials currently under way are designed to detect a reduction in any serious outcome such as hospital admissions, use of intensive care, or deaths,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Nor are the vaccines being studied to determine whether they can interrupt transmis – sion of the virus.”

Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang 42 candidate vaccines na nasa clinical trials, kung saan sampu ang nasa “most advanced phase 3 stage.”

Dito sinusuri sa malakihang bilang ang kabisaan ng bakuna, kung saan libu-libong tao ang sangkot mula sa iba’t ibang kontinente.

Ngunit ayon kay Doshi, assistant professor ng pharmaceutical health services research sa University of Maryland School of Pharmacy, maging ang mga nasa most advance trials ay sumusuri lamang sa mga mild na kaso sa halip na malulubhang sakit.

Maaari itong makita sa bilang ng mga taong kasali sa trial, aniya, kung saan mayorya ng kumpirmadong pasyente ng COVID-19 na kalahok ay nasa mild o walang sintomas.

At kung mayroon mang sa kasalukuyang mga trial ang nakadisenyo upang makita ang benepisyo sa mga matatanda, isang susi sa mapanganib na sektor.

Kung hindi sapat ang bilang ng matatandang volunteer sa trial, sinabi ni Doshi na may maliit lamang na basehan para ituring ang anumang benepisyo laban sa hospitalisasyon o pagkamatay ng pasyente.

Dagdag pa niya na ang mga bata, immunocompromised na indibiduwal at mga buntis ay hindi isinasama sa trial, kaya’t mahirap matukoy ang “key gaps” upang maunawaan kung paano nakakaapekto ang COVID-19 sa iba’t ibang indibiduwal.

PAGKAMATAY NG VOLUNTEER

Ilang trials ang itinigil muna matapos magkasakit ang ilang kalahok.

Sa Brazil, isang volunteer na kalahok sa clinical trials ng COVID-19 vaccine na develop ng Oxford University ang namatay, inanunsyo ng opisyal nitong Miyerkules, bagamat sa mga ulat ng media tumanggap ito ng placebo, hindi ang isinasalang na bakuna.

Ito ang unang pagkamatay na naitala sa mga coronavirus vaccine na sumasailalim sa trials.

Gayunman, ayon sa mga organisador ng pag-aaral isang independent review ang sumuri na sa kaso at nakita na walang safety concerns, kaya’t magpapatuloy ang pagsusuri sa bakuna na develop ng pharmaceutical firm AstraZeneca.

Ayon sa mga ulat, ang volunteer ay isang 28-anyos na doktor na nagtatrabaho bilang frontliner ng pandemya na namatay dulot ng komplikasyon mula sa COVID-19.

“Following careful assessment of this case in Brazil, there have been no concerns about safety of the clinical trial, and the independent review in addition to the Brazilian regulator have recommended that the trial should continue,” pahayag ng Oxford.

Ayon sa AstraZeneca nangangahulugan ang medical confidentiality na hindi maaaring magbigay ng detalye sa sinumang volunteer, ngunit ang independent review “not led to any concerns about continuation of the ongoing study.”

30% RISK REDUCTION

Maraming bansa ang planong unahin ang mga pinaka nanganganib na mga tao kapag naging available na ang bakuna, ngunit ayon kay Doshi kailangan pang maghintay ng mga umaasa sa milagrong tatapos sa pandemya. Aniya, ilang pharmaceutical firms ang nagdisensyo ng kanilang pag-aaral “to detect a relative risk reduction of at least 30 percent in participants developing laboratory confirmed COVID-19.”

Nakumpirma rin sa ilang pag-aaral kamakailan, na posible na muling mahawaan ng COVID-19 ang isang gumaling na pasyente, isang pagbabago na may malaking epekto kung paano bubuuin ng mga pamahalaan ang bakuna.

Agence France-Presse