NGAYONG Sabado na mapapanood ang Season 3 ng original musical competition ng GMA Network na The Clash at nagbabalik ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Kuwento ni Rayver, naging swabe ang taping nila at bumilib siya sa production team.
“Sa umpisa lang po nakakapanibago, pero kapag naka-start na ng taping and nakapa mo na ulit ‘yung trabaho, unti-unting bumabalik sa dati ‘yung flow. Para maitawid ‘yung bawat episode, hindi naman naging ganu’n kahirap kasi tulungan lahat. Konti ‘yung manpower, pero in sync pa rin lahat. Actually sobrang nagagalingan ako sa The Clash production at sa buong team kasi nga ang swabeng lahat.”
Para kay Julie Anne, sa ibang aspekto sila ng show nahirapan.
“Production-wise, hindi kami masyadong nahirapan kasi alam naman na namin ‘yung flow ng show at breakdown ng sequences,” panimula ni Julie Anne. “Siguro ‘yung hirap sa ibang aspect. Sa mismong contest proper, siyempre nasa competition sila at mabigat sa feeling namin kapag may hindi nakapasok, ‘yun ‘yung naging mahirap,” dagdag ni Julie. Evey Saturday at Sunday mapapanood ang The Clash, at
nagbabalik bilang Journey hosts sina Rita Daniela at Ken Chan at judges sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai-Ai delas Alas.
Nitz Miralles