HINDI na masyadong mapanglaw ang hinaharap ng pandaigdigang ekonomiya kumpara sa inasahan noong Hunyo, pahayag kamakailan ng isang IMF spokesman, senyales na maaaring tumaas sa susunod na buwan ang economic forecast ng organisasyon.

“Recent incoming data suggests that the outlook may be somewhat less dire” kumpara sa inasahan sa Washington-based crisis lender’s World Economic Outlook na inilabas noong Hunyi, ayon spokesman Gerry Rice, na binigyang-diin na “parts of the global economy (are) beginning to turn the corner.”

Dahil patuloy pa ring nananalasa sa mundo ang coronavirus, napipilitan ang mga ekonomista na irebisa madalas ang kanilang forecast para sa ‘growth.’

Nakatakdang magbigay ng update ang International Monetary Fund para sa global outlook sa Oktubre 13, bagamat hindi naman ibinahagi ni Rice ang detalye hinggil sa bagong projection.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa forecast nitong Hunyo, sinabi ng IMF na bababa ang GDP ng mundo ng 4.9 porsiyento at inaasahang buburahin ng virus ang $12 trillion sa loob ng dalawang taon.

Gayunman, naging mas maganda ang takbo ng China at ilang nangungunang ekonomiya kumpara sa inasahan sa ikalawang bahagi ng 2020, ani Rice, marahil dahil sa pagluluwag ng mga lockdown measures matapos ang halos total shotdown noong unang bahagi ng taon.

“We’re also seeing signs of global trade slowly beginning to recover,” aniya pa.

“I would emphasize we are not out of the woods,” paglilinaw ni Rice, na tinawag ang outlook bilang “very challenging” kung saan nahaharap ang mga merkado sa “precarious” na situwasyon dahil sa coronavirus.

Nangangamba rin ang mga ekonomista sa ikalawang bugso ng impeksyon na maaaring sumira sa nakamit na.

Ilang pamahalaan kabilang ang Britain at France ang muling nagpatupad ng ilang restriksyon nitong mga nakaraang araw, bagamat mas limitado ang sakop nito kumpara noong mga naunang buwan.

Pagbabahagi pa ni Rice, patuloy na nahaharap sa pagsubok ang mga pamilya at negosyo sa United States at nagbibigay ng senyales na mas sumusuporta ang pondo para sa pinansiyal na tulong sa ekonomiya. Habang tahimika pa rin ang Washington sa usapin ng ikalawang bahagi ng stimulus, ilang linggo bago humarap sa eleksyon para sa kanyang ikalawang termino si President Donald Trump sa Nobyembre.

Sa isang kolumn ngayong buwan, sinabi nina IMF leader Kristalina Georgieva at chief economist Gita Gopinath na kailangang patuloy na suportahan ng mga pamahalaan ang mga manggagawa at negosyo lalo’t maaaring madulot ang krisis ng bugso ng pagsasara ng mga negosyo at pagkasira ng trabaho.

“This crisis, however, is far from over,” anila. “The recovery remains very fragile and uneven across regions and sectors. To ensure that the recovery continues, it is essential that support not be prematurely withdrawn.”

Nagbabala rin sila na, “Though the world has learned to live with the virus, a full recovery is unlikely without a permanent medical solution.”

Agence France-Presse