NAGBABALA nitong biyernes si Pope Francis laban sa lumalalang pagguho ng multilateralism, kasabay ng apela sa kanyang talumpati sa United Nations para wakasan ang tinawag niyang isang global “climate of distrust.”
“At present we are witnessing an erosion of multilateralism, which is all the more serious in light of the development of new forms of military technology,” pahayag ng Santo Papa sa isang video para sa UN General Assembly sa New York.
“We need to break with the present climate of distrust,” pahayag ng pontiff, na nanawagan para sa pag-aalis ng mga sanctions dahil sa idinudulot nitong pinsala sa mga sibilyan, bagamat wala naman itong tinukoy na mga bansa.
Walang binanggit na bansa o sinumang lider si Pope Francis sa kanyang malalaman sa pahayag sa UN. Ngunit, pinuna ng spiritual leader ng 1.3 bilyong Katoliko sa buong mundo, ang international community sa inilarawan niyang maluwag at hiwa-hiwalay na pagtugon sa mga malalaking isyung panlipunan, kabilang ang human rights, refugees at humanitarian crises, pagkasira ng kapaligiran, economic inequality at nuclear proliferation.
Taliwas ang komento niya sa kanyang naging huling pahayag sa organisasyon noong 2015, panahong “marked by truly dynamic multilateralism,” aniya.
“It was a moment of great hope and promise for the international community,” coming just ahead of the adoption of the UN’s 2030 Agenda for Sustainable Development, a pledge to end poverty and hunger, and the subsequent adoption of the Paris climate accord to fight climate change.
“We must honestly admit that, even though some progress has been made, the international community has shown itself largely incapable of honoring the promises made five years ago,” pahayag ni Pope Francis.
Kumalas sa pamumuno ni President Donald Trump, ang United States mula sa Paris climate agreement, na ang kahihinatnan ay nakasalalay ng malaki sa kalalabasan ng US election sa Nobyembre 3 –kung saan nangako ang katunggali ni Trump na si Joe Biden na ibabalik ang bansa sa kasunduan.
‘DETRIMENTAL TO ALL’
Sinabi ni Pope Francis, na ang pamumuno ay sumentro sa pagtatanggol sa mahihirap at kapaligiran, na nahaharap ngayon ang mundo sa pagpili sa pagitan ng “multilateralism as the expression of a renewed sense of global co-responsibility” o, sa kabilang banda, ay daan tungo sa “nationalism, protectionism and isolation.”
“It excludes the poor, the vulnerable, and those dwelling on the peripheries of life,” ani Santo Papa, na nagbabala na ang daan “[would be] detrimental to the whole community.”
“We must also admit that humanitarian crises have become the status quo,” aniya, sa pagsasabing bigo ang pagsisikap na matalakay ang pandaigdigang isyu dahil “individual states shirk their responsibilities and commitments.”
Mahaba rin ang naging pag-apela ng Santo Papa para sa nuclear disarmament, at laban sa lahat ng porma ng militarisasyon.
“We need to dismantle the perverse logic that links personal and national security to the possession of weaponry,” aniya, sa pagpunang “[military spending] continues to squander precious resources that could better be used to benefit the integral development of peoples and protect the natural environment.”
Agence France-Presse