INENDORSO nitong Sabado ng World Health Organization ang isang protocol para sa pagsusuri ng African herbal medicines bilang potensiyal na gamot para sa coronavirus at iba pang epidemya.
Dahil sa COVID-19 umuusbong ngayon ang isyu sa paggamit ng tradisyunal na medisina upang malabanan ang mga makabagong sakit, at malinaw na naghihikayat ang endorso ng pagsusuri sa panuntunang katulad ng ginagamit para sa molecules na-develop sa mga laboratoryo sa Asya, Europa o sa Amerika.
Inilabas ito ilang buwan matapos ang imbitasyon ng pangulo ng Madagascar upang isulong ang isang inumin na mula sa artemisia, isang halamang napatunayan ang kagalingan bilang panggamot sa malaria, na tumanggap ng malawakang pangungutya.
Nitong Sabado, inendorso ng mga eksperto sa WHO kasama ang mga katuwang mula sa dalawa pang organisasyon ang “protocol for phase III clinical trials of herbal medicine for COVID-19 as well as a charter and terms of reference for the establishment of a data and safety monitoring board for herbal medicine clinical trials,” ayon sa isang pahayag.
“Phase III clinical trials are pivotal in fully assessing the safety and efficacy of a new medical product,”binigyang-diin dito.
“If a traditional medicine product is found to be safe, efficacious and quality-assured, WHO will recommend (it) for a fast-tracked, large-scale local manufacturing,” ayon sa pahayag ni Prosper Tumusiime, regional WHO director.
Katuwang ng WHO ang Africa Centre for Disease Control and Prevention at ang African Union Commission for Social Affairs.
“The onset of Covid-19, like the Ebola outbreak in West Africa, has highlighted the need for strengthened health systems and accelerated research and development programmes, including on traditional medicines,” ani Tumusiime.
Hindi naman partikular na tinukoy ni Tumusiime ang Madagascar drink Covid-Organics, na tinatawag ding CVO, na ininderso ni President Andry Rajoelina bilang panlunas sa sakit. Ang nasabing gamot ay malawang ginagamit sa Madagascar at ibinebenta rin sa iba pang mga bansa, lalo na sa Africa.
Noong Mayo, sinabi ni WHO Africa Director Matshidiso Moeti na nangako ang African governments “[in 2000 to taking] traditional therapies” na sasailalim sa katulad na clinical trials tulad ng iba pang mga medisina.
“I can understand the need, the drive to find something that can help,” pahayag ni Moeti.
“But we would very much like to encourage this scientific process in which the governments themselves made a commitment.”
Agence France-Presse