NABABANTANG mabura ng nagpapatuloy na coronavirus pandemic ang mga napagtagumpayan nang hakbang sa nakalipas na dekada sa pagpapabuti ng edukasyon at kalusugan ng mga bata, partikular na sa pinakamahihirap na bansa, pahayag ng World Bank nitong Miyerkules.

Napagtanto ang konklusyong ito mula sa Washington-based development lender’s Human Capital Index for 2020, na nagraranggo sa mga bansa kung gaano kahanda ang mga bata para sa hinaharap, kasama ng pagbibigay-diin sa mga salik tulad ng edukasyon at pangangalaga sa kalusugan.

Sa ulat ngayong taon, lumalabas na karamihan sa mga bansa, partikular sa mga mahihirap, ang nakagawa ng matatag na hakbang sa pagpapabuti ng kalusugan at edukasyon ng mga bata bago ang pandemya.

Sa kabila nito, sinabi ng World Bank na ang isang bata sa isang low-income na bansa ay inaasahang makakamit lamang ang 56 porsiyento ng kanilang human capital kumpara sa mga may kakayahang makuha ang kumpletong edukasyon at pangangalaga sa kalusugan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sinusukat ng indicator ang lebel sa buhay na makakamit ng isang batang ipinanganak ngayon pagdating ng edad na 18.

Paalala ni World Bank President David Malpass ang mga napagtagumpayang ito ay nanganganib na mawalan ng saysay dahil sa pandemya.

“Human capital is absolutely vital to the financial and economic future of the country as well as the social well being,”aniya.

Ayon kay Malpass, inaasahang mas tataas pa ang hindi pagkakapantay-pantay sa mga bata, kasama ng babala na sa nakababahalang mga nagaganap tulad ng walong milyon bata na kulang sa esensiyal na bakuna.

“We think more than one billion children have been out of school due to Covid, and (they) could lose as much as $10 trillion in lifetime earnings,”aniya, kasabay ng pagbanggit sa “reduced education level” at ang potensiyal na mahinto sa pag-aaral.

Nagpaalala rin siya sa kinahaharap na “disproportionate risk”ng mga babae at nanawagan sa mga bansa na mamuhunan nang malaki sa edukasyon.

Unang inilunsad noong 2018, kasama ngayong taon sa Human Capital Index ang datos mula sa 174 bansa na kumakatawan sa 98 porsiyento ng populasyon ng mundo.

Agence France-Presse