MGA 120,000 taon na ang nakalilipas sa hilagang Saudi Arabia ngayon, isang maliit na grupo ng mga homo sapiens ang huminto upang uminom at maghanap ng pagkain sa isang mababaw na lawa na dinarayo din ng mga kamelyo, kalabaw, at mga elepante na mas malaki kaysa sa anumang mga species na nakikita sa ngayon.

Maaaring hinabol ng mga tao ang malalaking mammal ngunit hindi sila nagtagal, dumaan sa watering hole patungo sa isang mas mahabang paglalakbay.

Ang detalyadong tagpo na ito ay pinagtagpi-tagpi ng mga mananaliksik sa isang bagong pag-aaral na inilathala sa Science Advances nitong Miyerkules, kasunod ng pagkakatuklas sa mga bakas ng paa ng mga sinaunang tao at hayop sa Nefud Desert na nagbigay ng bagong ideya sa mga ruta na tinahak ng ating mga ninuno noong kumalat sila sa Africa.

Ngayon, ang Arabian Peninsula ay isa nang malawak at tigang na mga disyerto na maaaring hindi gustuhing tirhan ng mga sinaunang tao at mga hayop na kanilang hinabol.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngunit ipinakita ng mga pananaliksik sa nakaraang dekada na hindi palaging ito ang kaso - dahil sa likas na pagkakaiba-iba ng klima naranasan nito na maging mas luntian at mas mahalumigmig ang kondisyon sa isang panahon na kilala bilang huling interglacial.

“At certain times in the past, the deserts that dominate the interior of the peninsula transformed into expansive grasslands with permanent freshwater lakes and rivers,” paliwanag ng study co-author na si Richard Clark-Wilson ng Royal Holloway.

Sinabi ng unang may-akda ng papel na si Mathew Stewart, ng Max Planck Institute for Chemical Ecology, Germany, na ang mga bakas ng paa ay natuklasan sa panahon ng kanyang PhD field work noong 2017 kasunod ng pagguho ng mga overlying sediment sa isang sinaunang lawa na tinawag na ‘Alathar’ (nangangahulugang “ang bakas” sa Arabic)

“Footprints are a unique form of fossil evidence in that they provide snapshots in time, typically representing a few hours or days, a resolution we tend not to get from other records,” aniya.

Ang mga kopya ay pinetsahan gamit ang isang technique na tinatawag na optical stimulated luminescence - pagsabog ng ilaw sa mga butil ng kuwarts at pagsukat sa dami ng enerhiya na inilabas mula sa kanila.

Isang luntiang Arabia

Sa kabuuan, pito mula sa daan-daang mga kopya na natuklasan ay kumpiyansa na nakilala bilang hominin, kabilang ang apat na, kung pagbabatayan ang kanilang magkakatulad na oryentasyon, distansya mula sa isa’t isa at pagkakaiba-iba ng laki, ay maipapalagay bilang dalawa o tatlong indibidwal na magkakasamang naglalakbay.

Ikinatwiran ng mga mananaliksik na ito ay kabilang sa mga anatomikal na modernong tao, taliwas sa Neanderthal, sa batayan na ang huli ay hindi napadpad sa mas malawak na rehiyon ng Gitnang Silangan sa panahon na iyon, at batay sa tangkad at mga pagtatantya ng masa na hinuha mula sa mga kopya.

“We know that humans were visiting this lake at the same time these animals were, and, unusually for the area, there’s no stone tools,” sinabi ni Stewart, na maaaring magpapahiwatig na ang mga tao ay matagal na nanirahan doon.

“It appears that these people were visiting the lake for water resources and just to forage at the same time as the animals,” at marahil ay para mangaso.

Ang mga elepante, na nawala na sa kalapit na rehiyon ng Levant mga 400,000 taon na ang nakalilipas, ay magiging kaakit-akit na biktima, at ang kanilang presensiya ay nagmumungkahi din ng iba pang mapagkukunan ng tubig-tabang at halaman.

Bilang karagdagan sa mga bakas ng paa, ilang 233 mga fossil ang nakuha, at malamang na ang mga carnivore ay naakit sa mga herbivore sa Alathar, katulad ng nakikita sa mga savanna ng Africa ngayon.

Dati nang nalaman na ang mga sinaunang tao ay kumalat sa Eurasia sa pagdaan sa timog Greece at Levant, na pinakinabangan ang mga likas na yaman sa baybayin sa daan, ngunit ipinapakita ng bagong pananaliksik na “inland routes, following lakes and rivers, may have been particularly important”, sinabi ni Stewart.

“The presence of large animals such as elephants and hippos, together with open grasslands and large water resources, may have made northern Arabia a particularly attractive place to humans moving between Africa and Eurasia,” dagdag ng senior author ng pag-aaral na si Michael Petraglia ng Max Planck Institute for the Science of Human History.

Agence France Presse