VATICAN CITY (AFP) - Ang kasiyahan ng isang lutong pagkain o mapagmahal na pakikipagtalik ay banal at hindi makatarungang nabiktima ng “overzealousness” sa parte ng Simbahan sa nakalipas, sinabi ni Pope Francis sa isang libro ng mga panayam na nailathala nitong Miyerkules
“Pleasure arrives directly from God, it is neither Catholic, nor Christian, nor anything else, it is simply divine,” sinabi ni Francis sa Italian writer at gourmet na si Carlo Petrini.
“The Church has condemned inhuman, brutish, vulgar pleasure, but has on the other hand always accepted human, simple, moral pleasure,” idinagdag niya.
Si Francis na ipinanganak na si Jorge Bergoglio sa Argentina - ay nagsabi na walang lugar para sa isang “overzealous morality” na tumatanggi sa kasiyahan, isang bagay na inamin niyang umiiral sa Simbahan noon ngunit iginiit na isang maling interpretasyon ng mensahe ng Kristiyano.
“The pleasure of eating is there to keep you healthy by eating, just like sexual pleasure is there to make love more beautiful and guarantee the perpetuation of the species,” sabi ng papa.
Ang magkakasalungat na mga pananaw ay nagdulot ng napakalaking pinsala, “which can still be felt strongly today in some cases,” dagdag niya.
“The pleasure of eating and sexual pleasure come from God.”
Tinukoy ni Francis, ang spiritual leader ng 1.3 bilyong mga Katoliko sa buong mundo, ang isang pelikulang Danish noong 1987 na tinawag na “Babette’s Feast” bilang pagsasalamin sa kanyang mensahe sa kasiyahan.
Nangyari noong ika-19 na siglo, ito ay kuwento ng isang chef na nanalo sa lotto na nag-anyaya sa isang pangkat ng mga ultra-puritan na Protestante sa isang masaganang piging.
Ang pelikula ay “a hymn to Christian charity, to love,” sinabi ng papa.
Ang librong, “TerraFutura, conversations with Pope Francis on integral ecology” ay isinulat ni Petrini, ang founder ng global “slow food” movement na nilikha noong 1980s bilang pagtutol sa “fast food”.
Ang mga panayam ay nakatuon sa pananaw ng papa tungkol sa environmentalism na may isang panlipunang mukha, na nakabalangkas sa kanyang 2015 encyclical na “Laudato Si”.