NITO lamang Lunes, pitong Pilipinong nurses, na kampamteng nakaupo na sa loob ng eroplano patungong United Kingdom, ang pinababa ng immigration authorities. Ang rason: nasa ilalim ng emergency ang bansa at kailangan ng mga health worker na lalaban sa COVID-19 pandemic!
Sa maraming pagkakataon, nakalimutan na ata ang esensiya ng public service. Maging sa paggamit ng wind barrier upang pigilan ang COVID droplets, pinayuhan ng mga ‘eksperto’ ang mga mag-asawa na maglagay ng divider sa pagitan nila.
Sa ngayon, may 200,000 na mga nurses sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngunit walang trabaho. Sa kabila ng panghihikayat sa kanila na sumali sa pampublikong serbisyo kasama ng pangakong magandang suweldo, daily allowance, insurance, at hazard pay, ang mababang tugon ng mga aplikante ay naglalarawan sa kawalan ng tiwala ng mga healthcare workers sa Estado, na sa panahong ito ng krisis, ay bigong matupad ang mga isinapublikong pangako sa usapin ng benepisyong nararapat para sa mga medical frontliners sa isang emergency.
Ang naganap kamakailan na pagpapababa sa mga nurses na may mga kontrata ay isang hindi magandang ugali. Ang pagkabigo ng mga tao sa labor at immigration na alamin ang restriksyon sa ban ng mga healthcare workers, ay naglalarawan sa kakulangan ng kahandaan at nakalilitong lohika na mayroon ang mga awtoridad.
Binigyang-diin sa kautusan mula labor na hindi pinapayagang lumabas ng bansa ang mga healthcare workers kung ang kanilang kontrata ay nagkabisa matapos ang Marso 8, 2020. Nakalulungkot man, nakuha ng mga pinababang nurses ang kanilang mga nalagdaang papeles bago ang deklarasyon ng pandemya ngunit nitong Agosto lamang na-approved ang kanilang visa. Kahit ba natanggap ng mga health workers ang kanilang may lagdang kontrata matapos ang March 8 na deadline, may malaking kaibahan ba ang pag-alis ng pitong nurses?
Sa average, ayon sa Filipino Nurses United, may halos 20,000 nurses ang umaalis sa bansa upang magtrabaho sa abroad. Katumbas ito ng sampung porsiyento ng kabuuang bilang ng mga walang trabahong nurses na bigong maakit ng pamahalaan na sumali sa ating healthcare system.
Higit pang nalantad ang nakapanlulumong kalagayan ng heathcare employment sa bansa matapos lumabas ang balita kamakailan mula sa datos ng aggregator iPrice Group na kulelat ang Pilipinas sa usapin ng suweldo ng mga nurse, na tumatanggap ng P40,381 na buwanang sahod, ang pinakamababa sa pitong bansa sa Southeast Asia. Sinusundan natin ang Vietnam sa listahan, na pay P62,200 buwanang sahod, habang ang Singapore, na nanguna sa listahan, ay nagbabayad sa mga skilled registered nurses ng P236,400 kada buwan.
Bakit ipagbabawal ng pamahalaan ang deployment ng mga nurses kung ang tanging maiaalok lamang nito bilang kompensasyon ay maliit na kapalit? Kung susuriin ang nasa serbisyong publiko, ilan sa mga assistant at undersecretaries, ang binabayaran ng malaki kahit wala naming ginagawa, higit na respeto at mas maayos na suweldo ang dapat ibigay sa mga healthcare workers na nagsasalba ng mga buhay!
-Johnny Dayang