Inanunsyo ng mga scientists nitong Miyerkules ang pagtuklas ng isang black hole o itim na butas - ang pinakamatanda na natuklasan - na hindi dapat umiiral alinsunod sa kasalukuyang pag-unawa sa mga cosmic monster na napakasiksik na kahit na ang ilaw ay hindi maaaring makalusot sa kanilang gravitational pull.
Isinilang sa pagsasama ng dalawang iba pang mga itim na butas, ang GW190521 ay may bigat na 142 beses ng masa ng ating Sun o Araw at ito ang kauna-unahang “intermediate mass” black hole na naobserbahan, iniulat ng dalawang consortiums ng humigit-kumulang 1,500 scientits sa isang pares ng mga pag-aaral.
“This event is a door opening into the cosmic process for the formation of black holes,” sinabi ng co-author na si Stavros Katsanevas, astrophysicist sa European Gravitational Observatory, sa isang online press conference. “It is a whole new world.” Ang isang tinaguriang stellar-class black hole ay nabubuo kapag bumagsak ang isang mamamatay na bituin, at karaniwang tatlo hanggang sampung solar masses ang laki.
Ang mga supermassive black hole na matatagpuan sa gitna ng karamihan sa mga kalawakan, kabilang ang Milky Way, ay nasa milyon-milyon hanggang sa bilyun-bilyon ng solar masses.
Hanggang ngayon, ang mga itim na butas na may masa na 100 hanggang 1,000 beses kaysa sa ating Araw ay hindi kailanman natagpuan. “This is the first evidence of a black hole in this mass range,” sinabi ng co-author na si Michaela, astrophysicist sa University of Padova at miyembro ng Europe-based Virgo Collaboration.
“It may lead to a paradigm shift in the astrophysics of black holes.”
Ang mga natuklasan, idinagdag niya, ay sumusuporta sa ideya na ang supermassive black hole ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsasama ng mga katawang kasing laki na ito. Ang talagang naobserbahan ng mga scientists ay mga gravitational waves na nagawa ng higit sa pitong bilyong taon na ang nakalilipas nang ang GW190521 ay nabuo sa banggaan ng dalawang mas maliliit na itim na butas na may 85 at 65 solar masses.
Nang magbanggaan ang mga ito, walong solar mass na halaga ng enerhiya ang pinakawalan, na lumilikha ng isa sa pinakamakapangyarihang kaganapan sa kalawakan simula noong Big Bang.
Ang gravitational waves ay unang nasusukat noong Setyembre 2015, na nagbigay nangungunang mga mananaliksik ng physics Nobel makalipas ang dalawang taon. Inaasahan ni Albert Einstein ang mga gravitational waves sa kanyang general theory of relativity, na kung saan ay nagbigay ng teorya na kumalat sila sa buong Universe sa bilis ng ilaw. Hamon sa kasalukuyang mga modelo Natuklasan ang GW190521 noong Mayo 21, 2019 ng tatlong interferometers, na kayang sukatin ang pagbabago ng libu-libong beses na mas maliit kaysa sa isang atomic nucleus habang dumadaan sa Earth ang gravitational waves. Ayon sa kasalukuyang kaalaman, ang gravitational collapse ng isang bituin ay hindi maaaring bumuo ng mga itim na butas sa saklaw na 60 hanggang 120 solar masses sapagkat - sa laki na iyon - ang mga bituin ay ganap na tinatangay ng pagsabog ng supernova na kasama ng pagbagsak. At gayon pa man, ang dalawang itim na butas na nagbigay ng GW190521 ay pareho sa saklaw nito. “This event is a challenge for the current models of black hole formation,” sinabi ni Mapelli.
Ito rin ay isang pahiwatig ng kung gaano pa karami ang hindi pa nalalaman.
“This detection confirms that there is a vast universe that has remained invisible to us,” sinabi ni Karan Jani, astrophysicist sa Nobel-winning LIGOgravitational wave experiment. “We have very limited theoretical and observational understanding of this elusive class of intermediate black hole.”
Ngunit ang mismong katotohanan na maaari itong makita ay mismong nakakamangha.
“Our ability to find a black hole a few hundred kilometres-wide from half-way across the Universe is one of the most striking realisations of this discovery,” dagdag ni Jani.
Ang dalawang pag-aaral ay nailathala sa Physical Review Letters, at Astrophysical Journal Letters.
Ang LIGO(Laser Interferometer Gravitational-Wave Observatory) consortium ay pinangunahan ng mga scientists sa MIT at Caltech, habang ang Virgo collaboration ay kinabibilangan ng higit sa 500 scientists sa buong Europe.
-Agence France-Presse