NAIIBA ang Pasko ngayong taon kumpara sa mga nakaraan dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa Western Europe at United States, kung saan sikat ang imahe ng Santa Claus bilang”Father of Christman,” nag-iisip na ng paraan ang mga planner kung paano dadalhin si Santa nang hindi inilalagay sa panganib ang mga bata sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa distancing at iba pang safety protocol.
Determinado ang London holiday planner Ministry of Fun na maiparanas sa mga bata sa Britain na makilala si Santa tulad sa mga nakaraang taon, ngunit ngayon nakasuot siya ng face mask. Gawa ang mask sa red velvet kasama ng puting balahibo para sa balbas ni Santa. Hindi direktang mamamahagi si Santa sa mga bata ng regalo, ngunit ilalagay ito sa kanyang paragos upang masunod ang distancing.
“You can’t have Christmas without Santa,” pahayag nito. “A child meeting Father Christmas is a really big deal.” It is still early in the year, it said, but people are already looking forward to the Christmas season at the end of the year and “people need reassurance that Father Christmas can appear.”
Hindi masyadong nakasentro kay Santa, ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas na nakatuon sa Belen at mga parol, awiting Pamasko, mga programang Pamasko sa mga paaralan, pagpapalitan ng regalo, pagpapailaw ng naglalakihang Christmas tree sa mga mall at parke, pagsisimula ng Simbang Gabi tuwing Disyembre 16, at pagdalo ng Christmas Eve Mass kasunod ng pagsalubong sa Araw ng Pasko.
Dalawang araw mula ngayon, sa Setyembre 1, maririnig na natin muli ang mga awiting Pamasko sa radyo. Nagsisimula ito sa “ber” months at itinuturing ito ng mga buwang ito bilang bahagi ng holiday season, bagamat ang misa tuwing madaling araw para sa Simbang Gabi mula Disyembre 16, ang pinakahudyat ng pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko. Isa itong tradisyon na ginugunita ng maraming Pilipino kahit pa nga naninirahan o nagtatrabaho sila sa Europa, US at iba pang mga bansa.
Patuloy na nagdurusa ang mundo sa COVID-19 pandemic. Maaaring abutin pa ng dalawa o higit pang taon bago ito tuluyang matapos, ayon sa World Health Organization. Habang inaasahang sa Disyembre pa mailalabas ang bakuna na tatapos sa pandemya.
May COVID man o wala, patuloy na ipagdiriwang ng mga Kristiyano sa mundo ang Pasko, ang pinakamalaga na pagdiriwang sa lahat ng okasyong Kristiyano. Sa nakalipas na anim na buwan, maraming tao ang hindi nakabibisita sa simbahan tuwing Linggo; maging sa ngayon, tanging 10 porsiyento lamang ang pinapayagan sa loob ng simbahan sa Metro Manila. Sa lahat ng paghihigpit na ito, umaasa tayong matatapos na at maipagdiriwang natin ang Pasko ng maligaya tulad nang nakasanayan natin.