ANO kaya ang komento ni Luis Manzano sa sinabi ng anak ni Aiko Melendez na si Andre Yllana na gusto nitong makasama si Jessy Mendiola kapag na-stuck o na trapped sila sa isang isla? Pero for sure matutuwa ang TV host dahil bukod sa kanya ay may iba pang humahanga sa kanyang girlfriend.
Sa mala-talk show episode ng Aikonfess ay natanong ng aktres ang unico hijo niya kung sino ang gusto nitong makasama sa isang isla bukod sa pamilya at girlfriend nito at nabanggit nga si Jessy.
“Taray, buti naman hindi si Luis Manzano ang gusto mong makasama, “biro naman ni Aiko sa anak.
Binalikan naman ng tanong ni Andrei ang ina kung sino ang gusto nitong makasama bukod sa kanyang tito Jay Khonghun na boyfriend nito.
“Siyempre si Piolo Pascual, si Papa P, abs palang niya ulam na at hindi ako nagkakanin, siya lang ulam na, ‘di ba?” sabi ni Aiko habang natatawa ang anak,” tumatawang sabi ni Aiko.
Tinukso naman ni Andrei ang ina na si Aga Muhlach ang inakala nitong gusto niyang makasama kasi nga ang aktor ang first boyfriend niya at hindi ang tatay nitong si Jomari Yllana.
Naiba ang facial expression ni Aiko, “alam mo ang luma ng issue mo! ang saya na nu’ng tao (Aga)”
Saka biglang naalala ng aktres ang panunukso ng anak na hindi naman daw ang tatay niya ang nakauna sa nanay niya.
“Sinabi ba talaga ‘yan ng tatay mo? Alam mo, issue-maker ka. Mag-aaway kami talaga. Hindi na kami nag-uusap ng tatay mo, pero dahil sa ni-reveal mo, Andre, mag-aaway kami!”
Tanong ni Andre sa ina, “Di ba, hindi naman si Dad first boyfriend mo?”
“Ang first boyfriend ko si Aga (Muhlach), pero walang nangyari sa amin, hello! Mamatay man!” Sabay make-face ni Andrei.
“O eto, magkamalas-malas na. Wala talagang nangyari sa amin. Peks man, cross my heart!”
Nangingiting sabi ni Andrei, “E, bakit sabi sa akin ni Dad? Hindi naman daw siya ‘yung una mo daw.”
Halatang nairita ang aktres sa anak, “Alam mo, huwag kang gumawa ng kuwento. Alam mo, sasapakin ko ‘yung tatay mo! Hindi na nga kami okay, gumagawa pa siya ng ano.
“Sinabi niya ‘yun? Sinabi niya ‘yun? Ang kapal ng mukha niya! Siya una, ‘no! Ay shit! E talaga naman. Talaga, sinabi niya yun? Tatawagan ko ang tatay mo, ang kapal ng mukha niya para sabihin niya ‘yun.
“Alam niya! Kaya nga ako nabuntis agad sa iyo at the peak of my career, nabuntis ako dahil siya nga ‘yung first ko. Siraulo ba siya!
“Wala kayang nangyari sa amin ni Aga, siraulo ba siya! Gumagawa siya ng isyu, para siyang ewan., ano ba. Bakit mo ba binabalik sa akin, wala talaga, magsisinungaling ba ako sa ‘yo?”
Tuwang-tuwa naman si Andrei sa reaksyon ng ina at dahil pikon na pikon na sinabi niya, “hindi nagbibiro lang, Binibiro lang kita, ito naman, patola.”
Aliw ang usapan nina Aiko at Andrei dahil maka-talk show ang dating na walang ka-showbizan ang mga sagot.
Tinanong naman ng diretso ni Aiko ang anak kung virgin pa.
“Diyos ko, ang ano naman, Mom, ang bulgar naman nu’n! Well, siyempre, beinte-uno na ako, tapos siyempre, hindi na!” nahihiyang sabi ng binata.
“Ha?! Bakit sabi mo sa akin last week, oo! Nagbago? Nakaka-shock naman yun,” gulat na tanong ni Aiko sa anak.
“Siyempre naman ‘ma, basta. Bakit, ikaw, how old were you when you?”
“I was twenty-two. Nu’ng twenty-two, ‘yung tatay (Jomari Yllana) mo pa ‘yung ano, ‘yung nakaano basta iyon,” tumawang sabi ni Aiko.
-REGGEE BONOAN