Nitong gabi ng Biyernes na ang simula ng The Vice Ganda Network ni Vice Ganda na dapat sana ay noong Hulyo 24 pa ini-launch.

vice

Base sa tweet ni Vice nitong Huwebes ng gabi, “Bongga to promise! Pero di ka makaka-watch kung di ka registered. Di ka din makakasali sa games. So di ka mananalo. Kaya di ka sasaya kung di ka registered. Ang saklap kung di ka registered. Ang chaka mo kung di ka registered! Kaya magregister ka na! http://register.viceganda.com.ph.”

Nakasulat din sa art card, “Porshur na porshur na talaga! Take 2 Vaklang two!

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang segment na Ang Prize Ganda ang online palarong pang madla ang napanood kagabi, 9PM at ngayong gabi ang Gabing-Gabi na Vice at sina Angel Locsin at Bea Alonzo ang guests na mapapanood ng 10PM.

Isa pang tweet ni Vice noong Agosto 12, Miyerkoles, “Inaantay ka ng PRIZES worth 100,000.00. Kaya wag ka ng ngumanga!!! Register na para chugug!!!

“Register na para maka-achieve ng Good Vibes at Cash Prizes. Daliiii!!! Gna Gna to!!!! Sa mga nakaregister na dati keri na yun kaya kalma na kayo.”

Matatandaang hindi natuloy ang grand launch ng The Vice Ganda Network noong Hulyo 24 dahil nag-crash ang network sa sobrang daming nagpa-rehistro na umabot sa mahigit na 100,000 na pati si Vice ay hindi rin nakapasok.

Ang Gold Squad team na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Francine Garcia, at Kyle Echarri ang kasama ni Vice sa Ang Prize Ganda.

-REGGEE BONOAN