Tila natakot na si dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate at Kapuso Sparkle artist Shuvee Etrata na madikit kay Kapamilya Star Donny Pangilinan.
Ito ay matapos kumalat ang video ng pagkikita nilang dalawa sa isang event.
Sa panayam ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, inurirat si Shuvee kung bukas ba siya sa posibilidad na makasama si Donny sa isang proyekto.
“Baka patayin na talaga ako ng DonBelle fans, Mama Ogs. [...] I'm also a DonBelle. So huwag n'yo po sana akong i-crucify. Crush lang po talaga,” saad ni Shuvee.
Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, hindi ko alam kung bakit ako kinikilig. Ang tagal-tagal naman na. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Hindi na dapat ako gano'n. Artista na rin ako 'di ba?”
Pero sa palagay ni Shuvee, bumabalik ang batang siya kapag nakikita niya si Donny.
Samantala, nilinaw naman niya na hindi raw niya inaasahang magtatagpo sila ng Kapamilya star sa event na pareho nilang dinaluhan, kaya gayon na lamang ang reaksiyon niya.
“Actually, hindi ko napanood ‘yong video. Ang nagsabi sa akin, si Donny. ‘Viral na naman tayo.’ Sabi ko, ‘Ha? Anong nangyari? May kasalanan na naman ba akong ginawa?’ ‘’Pag viral, naaaning ako,” dugtong pa ni Shuvee.
Maki-Balita: Shuvee Etrata, naaning sa viral video nila ni Donny Pangilinan
Matatandaang nagsalita na si Donny kaugnay sa isyu ng viral video. Umapela siya sa fans na itigil ang pagpapakalat ng hate.
Maki-Balita: ‘Stop spreading hate!’ Donny sumaklolo kina Belle, Shuvee