IPINAHAYAG ng nangungunang life insurer Pru Life UK ang kanselasyon ng PRURide PH 2020 na orihinal na nakatakda nitong Marso 11-15 sa Mimosa Drive, Clark, Pampanga.

Nagdesisyon ang organizers bilang pagbibigay prioridad sa kalusugan at kaligtasan ng PRURide participants, riders at ng publiko, higit at nananatiling nasa community qiarantine ang karamihan ng lungsod sa bansa.

Sa mga riders na nauna nang nakapagparehisto, ibabalik ang kanilang naibayad mula Agosto 1 hanggang Nobyembro 30, 2020. Para mabawi ang bayad, hiniling ng organizers na magpadala ng mensahe sa info@pruride. ph tangan ang subject “Refund Request – kung saan nakapaloob ang 6-digit transaction number at mga personal na detalye tulad ng pangalan ng rider, pangalan ng banko, branch ng banko, bank account type, bank account name at bank account no. kabilang ang zero sa simula.

Samantala, hinihikayat ang lahat na idownload ang PULSE, Pru Life UK’s all-in-one health management app, kung saan maaring magparehistro at lumahok sa Cycling - PRURider Community ng libre.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Mada-download ang Pulse sa Android at IOS devices.