KASUNOD ng balitang nag-positive sa COVID-19 si Michael V. ay ang balitang namatay siya dahil sa nasabing sakit. Pinost ni Bitoy sa kanyang Instagram ang fake news at biniro pa nito ang nagpakalat ng fake news na inuunahan siya ng netizen na Josie ang pangalan.

bitoy

Hindi nagalit si Bitoy sa nagpakalat ng fake news, ang mga kaibigan nito ang nagalit at pinayuhan ang award-winning comedian na ireklamo sa NBI ang pagpatay sa kanya.

Samantala, nagpapasalamat si Bitoy sa pagbuhos ng suporta at prayers mula nang malamang COVID-19 positive siya. Lahat nagdasal ng mabilis niyang paggaling at positibo si Bitoy na mabilis siyang gagaling.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nabanggit dati ni Bitoy sa isang interview na kapag nag-resume na sila ng taping ng Pepito Manaloto, isasama nila sa script ang quarantine at ang paglaganap ng COVID-19. Pagdating sa mga nagkakasakit ng COVID-19, hindi na mahihirapang mag-research si Bitoy dahil ang experience niya mismo bilang COVID-19 patient ang kanyang isusulat.

-NITZ MIRALLES