May 22, 2026

Home BALITA Politics

'Of course we want to be in the majority!' Sen. Alan, aminadong kulang pa boto para mapalitan liderato ng Senado

'Of course we want to be in the majority!' Sen. Alan, aminadong kulang pa boto para mapalitan liderato ng Senado
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Kinumpirma ni Sen. Alan Peter Cayetano na kulang pa raw ang hawak nilang bilang upang tuluyang mapatalsik ang kasalukuyang liderato ng Senado.

Sa panayam sa kaniya ng media, inihayag ni Cayetano na wala pa raw ang 13 katao na susuporta upang tuluyang mapalitan ang pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“I think everyone is campaigning instead of governing. So it's really, do you get 13 people of likeminds? But as of today, wala pa yung 13 na yun,” saad ni Cayteno.

Paglilinaw pa niya, hindi na raw maituturing na sikreto ang pagnanais nilang mga miyembro ng minorya na muling makabalik bilang mayorya ng Senado, kung sakaling maging matagumpay ang kudeta nila.

“We're in the minority, so of course we want to be in the majority. That was never a secret,” saad ni Cayetano.

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Paglilinaw pa niya, “Sila they were in the minority they got into the majority. When they got there, everyone is happy giving them a try. They have their victories, they have their faults.”

Samantala, nitong Lunes din, Pebrero 2, 2026, nang idaan ni Senate Pro Tempore Ping Lacson sa isang X post ang pahayag hinggil sa pagkukudeta sa liderato ng Senado sa mga nagdaang panahon.

"An emerging threat to the senate leadership? Let's put it this way-like rebellion, the threat against the senate presidency is a continuing crime since time immemorial," ani Lacson.

KAUGNAY NA BALITA: 'A continuing crime!' Sen. Lacson, may pahaging sa banta ng kudeta sa liderato ng Senado