May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Bawal daw pala ‘yon!’ Vice Ganda, nag-sorry sa binitawang ‘bomb joke’ sa It’s Showtime

‘Bawal daw pala ‘yon!’ Vice Ganda, nag-sorry sa binitawang ‘bomb joke’ sa It’s Showtime
Photo courtesy: ABS-CBN It's Showtime (YT screenshot)

Humingi ng dispensa ang aktor at It’s Showtime host na si Vice Ganda dahil sa binitawang bomb joke sa kanilang live broadcast nitong Lunes, Pebrero 2. 

Makikita na sa segment ng noon time show na It’s Showtime na “Laro Laro Pick,” inihalintulad ni Vice ang props na mga dilaw na kahon sa bomba. 

“Players, tapatan lamang ang mga nag-iwan ng bomba sa studio. Parang may mga nag-iwan ng bomba, di’ba? Pag nakita mo ‘yan sa labas di mo pupuntahan ‘yan eh,” pabirong bira ni Vice sa nasabing segment, kung saan kabilang din sa mga manlalaro ang aktor na si David Licauco. 

Pagkatapos naman ng “Laro Laro Pick” segment nila, agad namang binawi ni Vice ang naging biro at inaming hindi niya alam na mahigpit itong ipinagbabawal sa batas. 

“Bago tayo mag-cue ng commercial, humihingi po muna kami ng paumanhin dahil do’n sa bomb joke na sinabi ko kanina, ‘yong ‘parang may nag-iwan dito ng bomba do’n sa kahon.’ Bawal daw po pala ‘yong magbigay ng bomb jokes. Wala po akong intensyong masama doon, wala pong malisya do’n. It was just a joke pero bawal daw po ‘yon kaya humihingi po ako ng paumanhin,” seryosong saad ng host. 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Base sa Presidential Decree (PD) No. 1727, mahigpit na ipinagbabawal sa bansa ang pagpapakalat ng anumang banta ng bomba o explosives, at kung sinumang gagawa nito ay maaaring patawan ng limang taon na pagkakakulong at multa na aabot sa ₱40,000.00.

Sean Antonio/BALITA