Dear Manay Gina,
Siyam na taon akong single mother sa aking dalawang anak, bago umibig muli. Sa kasalukuyan, bale dalawang taon na kaming kasal ng aking mister.
Pero nitong nakaraang Nobyembre, hiniling ko sa kanya na maghiwalay na kami. Pagod na kasi akong mag-referee sa kanila ng bunso kong lalaki. Lagi kasi siyang nag-o-over-react sa mga gawi ng anak kong teenager. Sinabi ko rin na hindi ko na siya mahal. Wala kasi siyang hanapbuhay, at ang maghapon nya ay umiikot lamang sa kanyang jeep, TV at computer. In fairness, nagbago ang kanyang ugali mula nang sinabi ko ‘yon sa kanya. Sa ngayon, nagdadalawang-isip ako kung makikisama pa sa kanya o hindi na. Nami-miss ko kasi yung excitement ng isang babaeng in-love talaga sa asawa. Ano ang maipapayo n’yo sa aking sitwasyon.
Lily
Dear Lily,
Kadalasan, ang tunay na ‘romansa’ ay nasa pocket book lamang at sa mga feel-good movies. Base sa yong liham, palagay ko, pwede mong pagtuunan ng serysosong panahon ang kanyang ginagawang pagbabago, upang sabay nyong buuing muli ang pamilyang pinapangarap nyo. Sa pamamagitan ng kaunting encouragement, baka mahikayat mo din siyang subukan ang ilang gawain at libangang nagpapasaya sa ‘yo. Mag-concentrate ka, na pagandahin pa ang kasalukuyan mong relasyon. Although it is by now, one of those “yeah, yeah, yeah” relationships, good marriages take work.
Nagmamahal,
Manay Gina
“Never idealize others. They will never live up to your expectations. Don’t over-analyse your relationships. Stop playing games. Agrowing relationship can only be nurtured by genuineness.” —Leo F. Buscaglia
Ipadala ang tanong sa [email protected]
-Gina de Venecia