Pagkaraan ng ilang buwan ng chemotherapy, isang magandang balita ang natanggap ng multi-titled volleyball coach na si Roger Gorayeb sa 'Araw ng mga Ama'.

Nauna ng na-diagnosed noong nakaraang taon ang 60-anyos na si Gorayeb na may multiple myeloma. Pero kamakailan lamang ay idineklara syang cancer free ng mga dokror.

“Meron akong serum test about a month ago, lumabas dun na negative na ako sa lahat. Parang zero. Cancer-free na. Wala nang signs, wala na akong lesions sa buto ko,” pahayag ng 22-time NCAA champion coach.

Kasalukuyang head coach ng PLDT Home Fibr sa Super Liga at San Sebastian sa NCAA ay nakawalong sessions na ng chemotherapy.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Ngunit, ang kanyang kundisyon ay naging mahirap dahil bukod sa nasabing sakit ay mayroon pa syang diabetes habang tinamaan din ng myeloma ang kanyang , kidney.

“’Yung doctor ang sabi niya sa akin, ‘Hindi namin akalain na mabubuhay ka pa coach, kasi wala kaming nakita ‘yung pinagdaanan mo na nabuhay nang ganyan. Mag-ingat kang maigi.’ Sana wala na talaga kasi natatakot sila. Baka madapa ako, mabali buto ko,”ayon pa kay Gorayeb.

Isa sa dalawang V-League Triple Crown champion coaches, muling papailalim si Gorayeb sa panibagong test sa susunod na buwan upang makasigurong wala na talaga ang cancer sa kanyang katawan.

“Pag nag-negative uli dun, maintenance na lang ako. Hopefully, ‘wag nang bumalilk.” Marivic Awitan