NAGPABAGSAK ng stock market at nagpaluhod sa ilang industriya ang coronavirus pandemic, gayunman umaangat sa panahong ito ang mga kumpanya na nakatuon sa mas pribado, online at tech-based.

Habang milyon-milyong tao sa mundo ang napilitang manatili sa kanilang mga bahay at hindi makapaglakbay palabas ng kani-kanilang mga bansa, ang mga negosyo na tumutulong sa kanilang upang maka-adapt sa sitwasyon ang maaaring humantong sa pangmatagalang pagbabago sa ekonomiya ng mundo.

“I think certain aspects of work and organising will change for good through the current situation,” pahayag ni Sally Maitlis, isang propesor ng organisational behaviour sa Oxford University, Said Business School.

“People will discover that they can work and communicate in ways they previously didn’t think possible, and will be forced to become more nimble with tech through having no choice to do otherwise.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Narito ang ilang pagkukumpara sa ilang sektor na nananatiling matatag at bagsak sa gitna ng pandemic:

E-COMMERCE GIANTS VS INDEPENDENT STORES

Lumobo ang bilang ng mga orders sa malalaking online retailers sa pagdepende sa kanila ng mga nananatili sa bahay o mga home-working consumer, para sa pagdadala sa kanila ng mga pangunahing pangangailangan.

Kapwa bumaba ang shares sa US retail giants Walmart at Amazon sa pagbagsak ng merkado sa buong mundo noong Marso 16.

Sa loob ng nasabing linggo umakyat ng 25 porsiyento ang Walmart mula sa nine-month low noong nakaraang Lunes. Nakabangon ang Amazon.

“We are seeing increased online shopping and as a result some products such as household staples and medical supplies are out of stock,” pahayag ng Amazon.

Gayunman, nagdurusa pa rin sa sitwasyon ang maliliit na mga tindahan.

STREAMING VS CINEMAS

Tumaas din ang demand para sa mga pelikula na maaaring mapanood habang nasa bahay, dahilan upang bawasan ng Netflix at YouTube ang kanilang kalidad ng streaming sa Europa—ang naging episentro ng virus—upang mabawasan ang pressure nito sa internet.

Tumalon sa 20 porsiyento ang worldwide streaming activity nitong weekend, ayon sa ulat ng Bloomberg.

Habang ang tradisyunal na sinehan, ay nahaharap sa pagbagsak ng demand. Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga sinehan na pansamantalang nagsasara upang makatulong mabawasan ang pagkalat ng virus.

PRIVATE JETS VS COMMERCIAL PLANES

Matinding tinamaan ng pagpapatupad ng quarantine at travel ban ang airline sector, kung saan humantong sa pagsusumite ng bankruptcy ang UK airline na Flybe, habang inaasahang susunod na rin ang iba pang airlines.

Ayon sa International Air Transport Association, nasa $200 billion ang kinakailangan upang maiahon ang global industry.

Kabalitaran naman ito ng pagtaas ng mga private jet charter.

Iniiwasan ngayon ng mga mayayamang costumer na makasalamuha ang ibang pasahero, dahilan upang bumaling sila sa pagtangkilik sa pribadong jet charter.

Ayon sa US-based Paramount Business Jets “[they] seen inquiries go through the roof.”

HOME WORKOUT VS GYM

Dahil sa pagsasara ng maraming gym, bumaling sa mga online classes at home workouts ang mga fitness-lovers.

Sa Amerika, tumaas ang value ng mga kumpanyang nakatuon sa home gym equipment, sa pagpasok ng mga bagong investors dahil sa tumataas na demand para sa mga produktong tulad ng stationary exercise bikes, maging ang memberships para sa mga streaming online workout sessions.

TELECONFERENCES VS REAL WORLD MEETINGS

Dahil marami ngayong tao ang naka-work from home upang malimitahan ang pagkalat ng virus, lumubo ang demand para sa teknolohiya na nagpapahintulot ng online group meetings, chats at collaborations.

“There is such excitement around remote work that brands like Zoom have seen their stock value climb up,” pahayag ni Creative Strategies analyst Carolina Milanesi, bilang pagtukoy sa teleconferencing app.