NAG-SHARE si Kapuso actress Lovi Poe kung paano niya ginagawang makabuluhan ang mga oras niya habang nasa bahay siya bilang pagsunod sa utos na Stay Home lamang tayo.

Ilan sa tips na ibinigay niya ay ngayon daw ang time para linisin natin ang ating mga cellphones ng mga walang kabuluhang messages, magbasa ng books na matagal nang isinaisantabi, gumawa ng mga masustansiyang inumin, linisin ang mga cabinets and dressers, makipaglaro kung may mga alaga kayong pets na baka nami-miss na kayo.

“Paalaala ko po sa mga Kapuso natin, mag-ingat tayo sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit at huwag nating kalimutan na pasalamatan at ipagdasal ang ating mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemic na ito,” sabi ni Lovi. “We’re lucky we get to stay at the comfort of our homes while they’re making a huge act of love for everyone with their selflessness and service.”

Mapapanood na si Lovi soon, sa upcoming romance-comedy series ng GMA Public Affairs na Owe My Love, na makakatambal niya si Benjamin Alves, kasama ang star-studded cast na kinabibilangan nina Ai Ai delas Alas, Leo Martinez, Winwyn Marquez, Nova Villa kasama sina Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco at marami pang iba.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-NORA V. CALDERON