Follow-up ito sa nangyaring pamamaril sa van ni Kim Chiu nitong Miyerkules ng umaga na sobrang bantay- sarado na ngayon ang aktres na kahit saan siya pumunta ay may close-in security na.

kIM

Aminado ang aktres na may trauma siya sa nangyari matapos niyang maisip lahat dahil nu’ng umaga palang ay nagawa pa niyang mag-taping pero pagkatapos nang dalawang eksena ay pinauwi na siya.

May nagtanong sa aming mga TFC subscribers kung bakit walang security si Kim samantalang ‘yung ibang artista ay mayroon laging kasama.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang alam namin kapag nasa workplace na si Kim ay may marshal na siyang kasama. Baka kasi ayaw din ng aktres na laging may nakasunod sa kanya lalo’t may mga personal siyang lakad.

At saka hindi talaga maiisip ng dalaga na magkaroon ng close-in security dahil wala naman siyang alam na kaaway at higit sa lahat, low profile si Kim.

Pero dahil sa nangyaring pamamaril sa kanya ay inobliga na siyang magkaroon ng bodyguards, base sa kuwento ng taga-ABS-CBN.

Abut-abot naman ang pasalamat ng boyfriend ni Kim na si Xian Lim sa mga nag-aalala at sumuporta sa aktres.

Base sa post ni Xian sa kanyang IG account na kulay itim, “Thank you to everyone who expressed their prayers and concern. We can never explain why these horrible things happen. Thankfully there are no casualties. Thank you God for always being by our side.”

Umabot sa 71.6k ang likes at 931 komentong nagpaabot ng panalangin sa dalaga.

-REGGEE BONOAN