HALATANG super in-love ang Kapuso hunk na si Migo Adecer sa kanyang non-showbiz girlfriend mula sa Cebu na si Katrina Mercado.

IMG_0347

Kamakailan lang ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang 1-year anniversary bilang magkasintahan (last January 22) at masaya raw siyang open na siyang ipakilala ito sa publiko.

“Kasi, pagod na akong mag-hide, ang hirap,” sambit ng binata. “I mean, it’s an unnecessary stress para sa akin.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“And I mean, sa isang bagay na du’n ako nakakakuha ng happiness, gusto kong mag-share, kasi nagiging masaya ako du’n.”

Iginiit ni Migo na hindi naman daw siya pinagbabawalan ng GMA Ar t i s t Center (GMAAC) na ihayag sa publiko ang relasyon niya sa kanyang girlfriend.

“Hindi naman,” pagtatapat ng leading man ni Barbie Forteza sa Anak Ni Waray VS Anak Ni Biday. “Dati, pero ngayon hindi naman. I mean, may mga worst case out there, katulad sa mga nangyari last year. So, I mean, heto, at least, hindi masama.”

Unang pagsasama nina Migo at Barbie sa “Anak Ni Waray VS Anak Ni Biday” at honored daw siyang makatrabaho ang tinaguriang Kapuso Primetime Princess.

“‘Yun nga, nagulat talaga ako na si Barbie ‘yung partner ko dahil... as in hindi talaga kami close,” prangkang pahayag niya.

“I mean, acquaintances lang, like, kilala namin ‘yung isa’t-isa. Hindi naman sa, ‘Uy, kamusta, anong mga nangyayari sa buhay mo?’ Parang ganun, wala, hi-hello lang, ganu’n.”

“So I’m happy na through shows like this, I can make more friends and get to know more of our Kapuso artists. So, when we say na Kapuso kami, family rin kami.”

“So, through this, not only can I gain a friend but also learn. Kasi, alam ko naman ‘yung parang motto ni Barbie na parang ‘work is life.’ So, ‘yung work ethic niya, maganda.

“So, maybe there’s something I can learn that would make me love my job more from a person who’s been in the industry for so long and does the hardest roles I can think of,” mahabang salaysay ni Migo.

Ang “Anak Ni Waray VS Anak Ni Biday” ay napapanood weeknights sa telebabad block ng GMA pagkatapos ng 24 Oras, mula sa direksyon ni Mark Sicat de la Cruz. Ilan pa sa cast ng TV adaptation ng serye ay sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Teresa Loyzaga at iba pa.

-LITO T. MAÑAGO