WORTH the wait para sa Kapuso Primetime King Dingdong Dantes si Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang kanyang kapareha sa pagbibidahang GMA primetime series na Descendants of the Sun Philippine Adaptation.

Jennylyn at Dingdong

Si Dong ang gaganap sa karakter ni Big Boss habang si Jen naman ang napiling gumanap sa role ni Beauty.

Ayon kay Dong, bilib siya sa naging growth ni Jen in terms of her career at proud siya sa lahat ng achievements nito.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Kasi, being the host of StarStruck and her, being the first ultimate survivor, inevitable talaga na makita ko ang umpisa.

“Talagang nakaka-proud na kasama ko pa rin siya bilang Kapuso at darating at darating naman talaga na magkakasama kami, and nangyari na dito pa sa napakagandang proyekto.

“So, nakaka-excite. Worth the wait. Talagang para sa kanya.” Proud na sey ng Dingdong.

Excited na rin si Dong sa nalalapit na world premiere ng DOTS na matagal nang inaabangan ng fans at viewers sa GMA sa true lang.

Well, sana nga worth the wait din ang fans ng dalawa sa magiging character nila sa Decendants Of The Sun.

-MERCY LEJARDE