HINDI pa handa si Mark Caguioa na ibitin ang kanyang jersey ngayong taon.

Ipinahayag ng 40-anyos Ginebra star at one-time MVP na sasabak pa siya ng isa pang season sa Kings para sa hinahangad na bagong kampeonato sa tinaguriang ‘crowd darling’.

Isiniwalat ni Caguioa ang planong maglaro pa sa ika-19 season matapos ang pakikipag-usap kay San Miguel Corporation Sports Director Alfrancis Chua matapos makamit ng Kings ang ikatlong PBA Governors Cup laban sa Meralco Bolts, 4-1.

Sa record ng PBA, tanging sina Living Legend Robert Jaworski (24 seasons), Abet Guidaben (21), Ramon Fernandez (20) at Asi Taulava (20) ang may pinakamahabang playing years sa tanging pro cage league sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Coach Al pulled me aside, sinabi niya sa akin na he’s gonna give me one more year,” pahayag ni Caguioa.

Naitala niya ang averaged 2.7 puntos, 1.3 rebounds, 0.5 assists at 0.2 steals sa 23 laro sa nakalipas na conference. Hindi mas kasing-lintik sa opensa kumpara sa nakalipas na seasons, ang liderato at respeto ang nagbibigay lakas sa kanyang mga kasangga.

Napili ng Ginebra si Caguioa bilang third overall sa 2001 Draft. Sa kasaysayan ng prangkisa, siya ang winningest player tangan ang walong kampeonato, kabilang ang anim na kasama niya ang sanggang-dikit na si Jayjay Helterbrand.

“These guys, hindi niyo nakikita kung anong nangyayari. These guys work so hard,” pahayag ng 2012 MVP.

-Jonas Terrado