MAY hula ang netizens kung sino ang blind item ni Angelica Panganiban sa kanyang tweets na “Giirrl, bakit ako ginagaya nung taong ayaw ko? Hahaha. Peg niya ko. Please send help” at sinundan ng “Puwede rin ako mag garage sale ng mga luma kong gamit. Tutal bet niya yata mga pinaglumaan ko.”

Angelica2

May supporter si Angelica na nag-comment na hayaan na lang ni Angelica ang mga nangagaya sa kanya para mamulubi. May nag-comment pang baka isa sa mga araw na ito ay may bangs na rin ang babaing tinutukoy ni Angelica.

May mga na-curious sa post ni Angelica na “pinaglumaan ko”dahil ang feeling nila tao at hindi gamit ang tinukoy ni Angelica.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mayroon namang hindi nagustuhan ang tweet ni Angelica dahil para sa kanila, sana hindi siya nagsimula ng isyu lalo na at maganda ang simula ng kanyang 2020 dahil baka resbakan siya ng mga taong bina-blind item niya.

Anyway, nanghingi ng tips si Angelica kung paano maging promo girl? Ano raw ba ang mga dapat niyang gawin para maging makatotohanan ang pagganap niya sa role ng promo girl? Ang pelikula yata ni Angelica opposite Coco Martin ang kanyang tinutukoy, pero abangan pa rin natin.

-NITZ MIRALLES