NAGING emotional si Nadine Lustre nito lang nakaraang Sunday night, January 5, 2020 to be exact bilang isa sa judges ng Your Moment of ABSCBN Talent show nang hingan siya ni Luis Manzano, isa sa hosts ng nasabing show kung ano ang masasabi niya sa performance ng Juan Gapang na naging winner in Sundays Battle Of The Bands for their cover of Tropical Depression’s Kapayapaan.
“Sorry, kinikilabutan at nanginginig ako ngayon. No..kasi to be honest, I really get sensitive kapagka ang pinag-uusapan na is….Love!
“Nagiging sensitive ako kasi Love is a universal language…and Love is what the world bagging now. And I’m just really happy kasi nage-gets ko kung ano yung ( at this juncture ay napahinto siya sabay sabing “sorry” at hindi niya napigilang mapaiyak kung kaya hinagod-hagod ni Billy Crawford, ang kanyang likod at maging si Boy Abunda ay hinawakan ang kanyang balikat na tipong nagsasabing “chill ka lang, Nadine” at matapos pahiram ni Nadine ng kanyang kamay ang tearsdrops falling down her cheeks ay muli itong nagpatuloy sa pagsasalita ) …No, kasi nage-gets ko Kuya Kokoi ( Kokoi Baldo, frontman of Juan Gapang Band) kung ano ang gusto mong iparamdam at iparating sa buong mundo, ahhhmmm, thru..thru singing!
“Ahhh, I really …ahmm, yung una ko talagang napansin sa iyo is…ahmm, ikaw..like..like now na naka-paa. Kasi para sa akin kapag nakikita ko na ganu’n yung situation na naka-paa, parang you value your connection with the stage parang para sa iyo, it’s just casual, ganun siya.
“Sorry, sobrang na-overwhelmed lang ako, eh…sobrang ganda ng performance nyo. Maraming maraming salamat po.
“Naiiyak lang talaga ako kasi napakahirap …sobrang hirap po ng situwasyon namin ngayon.” Pagtatapos na salita ni Nadine na ewan kung may konek sa mga bali-balitang naglilitawan tungkol sa hiwalayan daw nila ng syota (na ang sabi naman ng ilang Pipol in the know ay live-in mate niya for 2 years now) niyang si James Reid na sabi ay fake news naman daw ang balitang hiwalay na ang dalawa.
Well, that Sunday night, January 5, 2020 episode ng Your Moment ng Kapamilya Network ay tipong masasabing that night ay hindi lang “moment” yon ng Juan Gapang Band kungdi “moment” rin ni Nadine Lustre na sa pagiging emotional niya nang gabing yon ay tipong masasabing tila nga ata na meron siyang matinding pinag-daraanan if we are not mistaken.
Niwey, congratulations Juan Gapang Band na naka-getlag ng score of 88.33 and moved on to the next round after beating First Five Band’s score of 79.44 at Bukang Liwayway bid the competition goodbye after receiving a score of 70.
-MERCY LEJARDE