NAG-SHARE at napa-throwback si Jon Lucas sa first meeting niya kay Dingdong Dantes na ngayon ay kasama na niya sa Descendants of the Sun ng GMA-7.

Jon at Dingdong

“Share ko lang mga Kapuso at Kaibigan! Hindi alam ni Big Boss (Dingdong) na dati na akong talent sa commercial niya noon. (2010 o 2011 ata to). Nakikisayaw sayaw lang ako sa gilid at wala pang 2 seconds nung napakita ako sa TV (check niyo sa youtube) pero sobrang proud na proud na sakin ang buong pamilya ko. Kahit ako tuwang tuwa ako noon e, kasi sa Enchanted Kingdom yung location. ‘Di naman kami makakapunta don dati ng basta basta kasi mahal. AYUN NA NGA!

Ngayon nakakasama ko na si Big Boss (Kuya/Direk Dong Dantes), nakakausap, nakakatawanan, ang malupit nakakabatuhan ng lines!! NYEEAAAM! Haha. Iba talaga gumawa ang Diyos sa buhay natin. Actually hindi natin alam kung ano ang

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

kinabukasan natin pero basta may tiwala ka sa kanya at susunod sa mga kalooban niya, 100% sure! Kahit anong gawin mo hindi ka niya pababayaan. Tutulungan ka niya sa pagtupad sa mga pangarap mo. Kaya Salamat po ng maraming Marami AMA!

Gusto ko lang ipagmalaki sa mga tao kung ano ang pagkakilala ko sa Diyos! At hindi ako kailanman magmamalaki sa makukuha ko ngayon o anong matatamasa ko. Kasi ang Diyos talaga ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ang sarili kong karunungan o kaalaman.”

Kasamang pinost ni Jon ang TVC ng Goldilocks “bitbit” na in-endorse ni Dingdong

that time at kung saan, naging extra si Jon kay Dingdong, ngayon magkasama na nga sa Philippine adaptation ng DOTS. Kung si Dindong ay si Big Boss, si Jon naman ay si Harry Potter.

Samantala, kabilang din si Jon sa cast ng DOTS na bumubuo sa Alpha Team ng drama series na tampok sa calendar na inilabas ng GMA-7. Si Jon ang tampok sa mga buwan ng September at October. Ang months ng January at February, sina Dingdong, Jon, Rocco Nacino, Prince Clemente at Lucho Ayala ang magkakasama.

-Nitz Miralles