May 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Aeta Medical Technologist sa Pampanga, nagtala ng kasaysayan!

Aeta Medical Technologist sa Pampanga, nagtala ng kasaysayan!
Photo courtesy: via GMA Regional TV One North Central Luzon (FB)

Kinabiliban ng mga netizen ang makasaysayang tagumpay ng isang 22-anyos na Aeta mula sa bayan ng Porac, Pampanga matapos niyang matagumpay na maipasa ang medical technologists licensure examination.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, kinilala si Rolan Popatco Jr. bilang kauna-unahang Aeta sa lalawigan ng Pampanga na naging lisensyadong medical technologist, batay na rin sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Batay sa ulat ng GMA News, lumaki raw si Rolan sa kabundukan at hinarap ang iba’t ibang hamon upang maabot ang kaniyang pangarap.

Sa kabila ng limitadong resources, nagpasya siyang lumuwas sa bayan upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Sa tulong ng mga scholarship mula sa pamahalaan at iba pang institusyon, natapos niya ang degree program na Bachelor of Science in Medical Technology.

Ayon daw kay Rolan, ang kaniyang tagumpay ay hindi lamang para sa kaniyang sarili at pamilya, kundi para rin sa kaniyang komunidad.

Human-Interest

Hospital levels sa bansa na mahalagang malaman ng bawat Pinoy

Binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga Aeta, na madalas ay limitado ang access sa medical services.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang hangaring maging isang ganap na doktor balang araw, upang mas mapalapit ang serbisyong medikal sa kaniyang komunidad at makatulong sa kapwa niya Aeta.

Ang kainyang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kaniyang komunidad kundi pati na rin sa iba pang kabataang Pilipino na nangangarap makapagtapos at makapaglingkod sa bayan.