Magkakaroon ng limitadong oras ng suplay ng kuryente ang bayan ng Patnanungan sa Quezon dahil sa kakulangan ng suplay ng fuel na dulot ng nagpapatuloy na oil crisis na may kaugnayan sa tensyon sa Gitnang Silangan.
Inanunsyo ni Mayor Claire Larita-Natividad noong Sabado, Marso 21,2026 na pansamantalang babawasan ang oras ng operasyon ng lokal na planta ng kuryente, batay sa impormasyon mula sa National Power Corporation.
“Starting March 22, 2026, the plant will operate for only 16 hours daily, from 4 p.m. to 8 a.m. the following day,” anang alkalde sa kaniyang opisyal na Facebook page noong Sabado.
Ayon sa alkalde, layunin ng adjustment na makatipid sa natitirang suplay ng fuel habang hinihintay ang panibagong delivery mula sa pantalan ng Real sa mainland Quezon.
Inaasahang tatagal ng humigit-kumulang limang araw ang pansamantalang schedule, at babalik sa 24-oras na operasyon ang planta kapag dumating na ang suplay ng fuel.
Nanawagan din si Natividad sa mga residente na magtipid sa paggamit ng kuryente sa panahong ito.
“We encourage everyone to use power wisely to help ensure that the available supply can serve the entire community,” she said.
Matatagpuan ang Patnanungan sa silangan ng Polillo Island sa kahabaan ng Lamon Bay, na nakaharap sa Karagatang Pasipiko.