May 21, 2026

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Chito Miranda, tinulungan isang erpat na nag-busking sa UP

Chito Miranda, tinulungan isang erpat na nag-busking sa UP
Photo Courtesy: Screenshots from Poch Juinio (FB)

Ibinahagi ng negosyante at dating aktres na si Neri Naig-Miranda ang ginawang pagtulong ng mister niyang si Parokya ni Edgar lead vocalist Chito Miranda sa tatay na tumutugtog sa University of the Philippines (UP) Diliman para sa anak nitong nag-aaral.

Sa isang Facebook post ni Neri noong Sabado, Marso 21, ibinahagi niya ang kuhang video ng isang netizen sa pagtatanghal ni Chito kasama ang kabandang si Gab Chee Kee.

Aniya, “Nasa UP sila Chito kahapon para igala si Miggy tapos may nagba-busking daw na tatay para raw sa anak nyang nagme-med school.”

“Kaya tinawagan daw nya si Gabriel para tulungan yung tatay... game naman si Gab kaya pumunta sa UP Diliman agad. Thank you, Dad and Gab!” dugtong pa ni Neri.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Musika at Kanta

Hollywood Pop Star Katy Perry, napansin ang 'Thinking of You' cover ni Jayda Avanzado

"Para doon sa anak. Sana mag aral ng mabuti. Di biro ang sakripisyo ng mga magulang at pagmamahal. Pagtatapos niyo lng masaya na ang magulang."

"Nostalgiiiic walang kupas!!!"

"simpleng busking,,,naging concert for a cause."

"Ang Babait "

"panalo ang timing "

"Ganto sana ko at ang mahal ng tuition ng Nursing student kong anak kaso d pala ko marunong mag gitara at d maganda boses haha"

"Swerte ng mga nandoon libre.."

Samantala, honored umano ang tatay na tinulungan ni Chito na kinilala sa pangalang Leo Santos.

“Ang solid ni sir chito. Lumapit sya habang nagbabusking ako, gusto nya raw tumulong sa pamamagitan ng pagkanta nya ng ilan nilang kanta. I'm so honored, we are so blessed. Angas!!” saad ni Leo.

Batay sa nakasulat sa placard ni Leo, nasa ikalawang taon na ang anak niya sa medical school.