MAGANDA at blooming si Coleen Garcia nang dumalo siya sa grand presscon ng pelikulang MIA na siya mismo ang bida at leading man niya si Edgar Allan Guzman na idinirek ni Veronica ‘Roni’ Velasco produced ni Christopher Cahilig ng Insight 360.

COLEEN MIA

Kaya taliwas ito sa sinasabi ng netizens na hindi na siya masaya sa piling ng asawang si Billy Crawford na kamakailan lang ay nakipagsagutan sa bashers para ipagtanggol ang aktres.

Baka naman kasi nag-base ang mga pumuna kay Coleen na hindi na siya masaya dahil sa karakter niya sa MIA na depressed at laging umiinom na ang tanging kausap ay ang Bromeliad plants na pinangalanan niyang Bru na hindi naman sinabi kung ano ang representation ng nasabing halaman sa pelikula.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayon sa producer na si Chris, “Explanation nasa first part ng movie, ha, ha, ha. Very pivotal and role ni Bru (halaman) sa movie as in.”

Na-curious kami at tinanong namin si Coleen kung sa totoong buhay ay mahilig siya sa halaman.

“’Yung Christmas tree namin last year (2018), it was all bromeliad, ang gumawa no’n si Gideon Hermosa (Events stylist) at punumpuno ng bromeliad. It was before bago ko natanggap ko ‘yung role na MIA. So, parang nagkaroon ng good omen, good side para sa akin ‘yung bromeliad.

“And to answer your question, yeah, mahilig ako sa halaman kaya lang wala kaming masyadong halaman sa house kasi may cats kami,” kuwento ng aktres.

Going back to sa isyung hindi na siya masaya kay Billy ay mabilis niya itong itinanggi pero ipinaliwanag niya na hindi siya naging aktibo sa showbiz at social media kaya siguro roon nagbase ang netizens.

“Hindi ko nga alam na sumagot siya (Billy) kaya hindi ko alam kung anong sinagot niya. People can only judge on what they see and to be fair, I haven’t been showing anybody anything in the past two years na talagang naging tahimik ako, kung baga I kept everything to myself kasi hindi ako masyadong active sa showbiz for the past two years so tumahimik ako, so maybe they took it as a sign? Hindi ako masyadong nagpo-post ng picture na nakangiti, kaya siguro they put into together,” paliwanag ng magandang wifey ni Billy.

At for the record, habang sinu-shoot ang MIA sa pinakadulong bayan ng Palawan base sa kuwento ng taga-production.

“Nakakatawa ang isyu! Alam mo ba na sa shoot, parang honeymoon stage sila sa sweetness as in dinadayo ni Billy ang kaduluduluhan ng Palawan just to see Coleen,” kuwento sa amin.

Samantala, isa pang tanong sa aktres ay kung naniniwala siyang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre base na rin sa mga nasulat. Magkasama kasi sina Coleen at JaDine sa nakaraang ABS-CBN countdown sa Eastwood City nitong Disyembre 31.

Kuwento ni Mrs Crawford, “Actually yes, kasama namin sila after ng countdown. Ang sinasabi ko lang naman, nakasama namin sila. I mean, kung ano man merong isyu sa kanila, they can answer that themselves, ha, ha, ha.”

Hindi naman itinanggi ni Coleen na magkakaibigan sila nina James at Nadine at base sa nakita niya ay hindi hiwalay ang dalawa.

Regular friendship. Hindi naman ‘yung super, super, super close. But yeah, we’re friends.“We’re friends. Yeah, they talk to us minsan kung may problems. The same rin lang naman, like ako ganu’n din sa kanila.

“Base sa na-observe ko? I mean, the fact na magkasama sila nu’ng New Year, hindi pa ba enough ‘yon for you? I mean, everybody is okey, everybody is okey. ‘Yun ang importante, everybody is okey. Everybody is happy!” pahayag ng aktres.

Anyway, bago magbukas sa mga sinehan ang MIA sa Enero 15 ay may mall tour sina Coleen at Edgar sa SM Dasmarinas (Jan. 11), Fishermall Malabon at Quezon Avenue branch (Jan. 12). Katatapos lang kahapon sa Sta. Lucia Mall. May national MIA’s day sa Enero 13 sa SM Megamall Cinema 1.

Bukod kina Coleen at Edgar ay kasama rin sa pelikula sina William Martinez, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez, Xenia Barrameda at Yayo Aguila. Ang MIA ay distributed ng Viva Films.

-REGGEE BONOAN