SENTRO ng atensyon si Carl James Martin (kaliwa) na itataya ang malinis na karta.

SENTRO ng atensyon si Carl James Martin (kaliwa) na itataya ang malinis na karta.

AKSIYONG umaatikabo ang ipaparada ng MP Highlands, sa pakikipagtulungan ng Games and Amusement Board (GAB), tampok ang duwelo sa pagitan nina Carlo Magali at Al Toyogon bukas sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila.

Matitikas na fighters mula sa anim na bansa ang magtatagisan ng lakas at galing sa makikipagsapalaran para sa nakatayang karangalan, kabilang ang tatlong championship bouts.

Mga boxers mula sa China, Israel, india, Malaysia, Thialand, at Philippines ang matutunghayan sa ‘Pamaskong Bakbakan’.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Magtutuos sina Magali at Toyogon para sa GAB Philippine Super Featheweight title at ABF (Asian Boxing Federation) Super Featherweight title.

Magkakasubukan naman para sa PBF Bantamweight title ang walang talong si Carl James Martin at Philip Luis Cuerdo, habang maglalaban para sa IBO OCEANIA Featherweight sina Aiman Abu Bakar at Asad Asif Khan.

Tampok din ang laban nina Aston Palicte at Renz Rosia para sa 118 lbs, class.

Sa WBA ASIA Female title, mapapanood ang sagupaan nina Suphansa Pho-Ong ng Yhailand at Li Liu ng China.

Kamakailan, ipinahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang pagkakaroon ng bakante sa limang Philippine title at kagyat na tumugon ang mga lokal promoters at matchmakers para mag-promote ng boxing bout at mapunan ang naturang mga bakanteng titulo.