ANG bilis dumami ng likes sa pinost ni Ryan Agoncillo na photo ng asawang si Judy Ann Santos na kuha niya habang nasa Japan sila for a vacation. Ang sexy naman kasi ni Judy Ann sa photo na nasa kama, nakasuot ng bathrobe at kita ang kanang hita.

Judy Ann

Hindi sigurado kung anong panloob ang suot ni Judy Ann dahil ‘yun ang hindi kita, pero ang hita nito, kitang-kita. Ang caption ni Ryan sa photo ay “baby’s got blue skies up ahead.”

Ang daming showbiz friends nina Judy Ann at Ryan ang nag-comment at naseksihan kay Judy Ann at tiyak, nagulat dahil first time magpakita ng skin ng aktres.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Biro ni Gladys Reyes, parang magkakaroon daw ng kasunod si Luna at ayon naman kay Michael V.,”aba, aba, aba...mukhang mainit ang Pasko n’yo a...” at comment ni Camille Prats, “ang sexy namaaaan niyan.” “Hot” naman ang comment ni Bea Alonzo at “Ehem!” lang ang nasabi ni Arnold Clavio.

Sagot ni Judy Ann sa mga nag-comment, “Ham! Ham! Christmas ham kayo dyan!!!” na sinagot ni Ryan ng “excellente” na isang brand ng ham.

Nagbakasyon sa Japan sina Judy Ann at Ryan after manalo ni Judy Ann ng best actress sa 41st Cairo International Film Festival para sa pelikulang Mindanao na entry sa 2019 MMFF.

-NITZ MIRALLES