INIIMBITAHAN ng PBA Press Corps ang mga paaralan sa Metro Manila upang lumahok sa idaraos nilang sportswriting contest, isang dating proyekto ng grupo na ibabalik nila ngayong darating na Nobyembre 22.

Limitado lamang ang slots at first come, first served ang pagtanggap nila ng mga kalahok sa contest na para sa mga college at senior high students.

Bawat eskuwelahan ay puwedeng magkaroon ng dalawang writers at isang photographer bilang entry.

Ang pagkakaroon ng photographer sa unang pagkakataon ay may kaugnayan sa 25 anibersaryo ng kompetisyon na unang idinaos noong 1994.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang mga kalahok ay kailangang magsumite ng kanilang valid school ID at miyembro ng kanilang school publication.

May nakalaang mga salaping premyo para sa mga mananalo habang magdaraos ng maikling seminar pagkatapos ng contest proper.

Para sa kaukulang detalye maaaring makipag-ugnayan kina Ms. Hazel Ancheta ng PBA office (0956-8717835) o kay Gerry Ramos ng PBAPC (0915-2034869).