ILANG linggo na lamang at matatapos na ang pagsasaayos ng Rizal Memorial Sports Complex, partikular na ang Coliseum at ang Ninoy Aquino Stadium na gagamitin para sa 30th Southeast Asian Games.

Kabilang sa mga ipinaayos dito ay ang venue na gagamitin para sa squash, bagama’t malabong matapos ang nasabing venue bago ang nasabing biennial meet.

Ito ay sa kadahilanang hindi aabot ang pagdating ng mga materyales na aangkatin pa buhat sa Germany para sa flooring at iba pang mga kagamitan para sa nasabing sports, kaya naman minabuti na lamang na ilipat ang venue nito sa Manila Polo Club.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram, na matatapos ang nasabing gusali sa takdang araw bago ang SEA Games, ngunit ang espesyal na sahig na kailangan para sa squash ay malabong dumating ng maaga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Definitely, matatapos ‘yung building but ‘yung ilalatag nila na special flooring, mangagaling ‘yun sa Germany, baka hindi dumating on time,” pahayag ni Kiram.

.Mismong si Philippine Philippine Squash Academy president Robert Bachmann ang nag desisyon umano na ilipat na ang laro ng squash sa Manila Polo Club kung saan nag eensayo ang Philippine Team, ayon kay Kiram.

“Minor na lang ang gagawin sa squash. Pintura na lang at ilaw ilaw, maayos na,” ani Kiram.

Hindi man magamit para sa biennial meet ang ginagawang pasilidad pa, sinabi naman ni Kiram na ito ay magagamit ng mga atleta bilang permanente nilang training center.

Nilinaw naman ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na ang pagpapasaayos sa RMSC ay hindi talaga para sa pagsasagawa ng SEA Games, at hindi rin bahagi ng pondo para sa SEA Games, bagama’t ito ay direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte at pinondohan ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).

-Annie Abad