NEW YORK (AP) — Hataw si Kyrie Irving sa naiskor na 50 puntos sa kanyang debut game bilang Net, ngunit hindi ito sapat para maisalba ang Brooklyn sa mapait na 127-126 kabiguan sa overtime kontra Minnesota Timberwolves nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

PINIGILAN ni Andre Drummond ng Piston ang pagtatangka ni Indiana Pacers’ Aaron Holiday s aisang tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

PINIGILAN ni Andre Drummond ng Piston ang pagtatangka ni Indiana Pacers’ Aaron Holiday s aisang tagpo ng kanilang laro sa NBA. (AP)

Nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 36 puntos at 14 rebounds para sa Minnesota, habang kumana si Andrew Wiggins ng 21 puntos, tampok ang go-ahead basket may 1:19 ang nalalabi.

May tsansa ang Nets na manalo at maging bayani si Irving, ngunit sumablay ang buzzer-beating shot ng one-time NBA champion matapos magahol sa oras.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Binura ni Irving ang scoring record ni Kiki Vandeweghe na umiskor ng 47 puntos sa kanyang debut game sa Portland laban sa Kansas City noong Oct. 27 1984.

Tumapos si Irving na may walong rebounds at pitong assists, habang nag-ambag si Caris LeVert ng 20 puntos.

Sa iba pang laro, ginapi ng Detroit Pistons, sa pangunguna ni Andre Drummond na kumana ng 32 puntos at 23 rebounds, ang Indina Pacers;

Tinalo ng Miami Heat ang Memphis Grizzlies, 120-101, at nanaig ang Philadelphia 76ers sa Boston Celtics, 107-93.